^

PSN Showbiz

Cristine ikakasal na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Masaya para kay Cristine Reyes ang kanyang mga kaibigan sa ibinalita nitong engaged na siya kay Ali Joshua Kathibi, ama ng baby niyang si Aliaa Arian­ne Amarah. Ang daming nag-congratulate sa engaged couple.

Simpleng “engaged” ang caption ni Cristine sa pinost niya sa Instagram (IG) account na picture ng kamay niyang suot ang engagement ring habang hawak ang kamay na na­ka­bukas ng fiancé at nasa ibabaw ng kanilang palad ang maliit na palad ng kanilang baby.

Wala pang sinasabi kung kailan pakakasal sina Ali at Cristine, mag-abang na lang tayo. Pero tiyak na ang cute silang tingnan sa wedding march kung kasamang maglalakad sa aisle ang kanilang baby.

May kotse nga Thea problema naman ang parking at isusuweldo sa driver

Kung si Barbie Forteza ay nakabili ng bahay ng dahil sa The Half Sisters, si Thea Tolentino naman ay nakabili na ng car. Sa tulong ni Willie Revillame na nagbigay ng P300,000, nakabili ng second hand Montero si Thea. Kaya lang, hindi niya magamit ang sasakyan at nasa bahay nila sa Laguna.

Problema ni Thea ang parking sa tinitirahang condo pati na rin ang driver, kaya balak niyang lumipat ng apartment. Biniro ng press si Thea na manghingi na rin kay Willie ng ipasusuweldo niya sa driver para lang magamit ang nabiling sasakyan.

Ang nangyayari, sumasabay pa rin si Thea sa service ng GMA 7 papunta sa taping ng The Half Sisters at nagta-taxi papunta sa iba niyang lakad sa showbiz.

Wish pala ni Thea na umabot pa hanggang De­­cem­ber ang kanilang serye para hanggang sa Pasko ay may trabaho siya.

Boyet hindi na nakapagpigil, sinampal si Dina!

Isa sa ipinagmamalaki ng Beautiful Strangers ang husay ng cast at nadadala ang viewers ‘pag may iyakan na. Kaya may Team Kristine (Heart Evangelista) at Team Joy­ce (Lovi Poe) na galit kay Noel (Rocco Nacino).

Matutuwa ang viewers sa episode mamaya dahil lalaban na si Ronaldo (Christopher de Leon) sa verbal abuse sa kanya ng asawang si Alejandra (Di­na Bonnevie). Finally, ma­sasampal ni Boyet si Dina at masusuntok si Rigor (Kier Legaspi) na para sa viewers ay matagal na ni­ya dapat na ginawa. Matanong nga si Boyet kung ano ang feeling na masam­pal si Dina?

Aabangan din ang pagbabalik ng alaala ni Joyce at kung maalala na nito ang ginawa ni Ronaldo sa kanya at pagkawala niya ng two years.

Regine todo promote ng concert ng iba

Consistent si Regine Velasquez-Alca­sid sa pagpo-promote ng concerts ng kapwa niya local ar­tists. Kabilang sa pi­nu-promote nito ngayon ay ang October 16, concert ni Kuh Ledesma billed 35 at gagawin sa CCF Main Auditorium, Ortigas, Pasig.

Guests ni Kuh sina Regine, Jaya, Tirso Cruz III, Isabella, Perkins Twins, at Gary Valenciano. Guest din si Fernando Carillo, ibig sabihin, babalik ito ng bansa at muling masisilayan ng kanyang Filipino fans.

Pinu-promote rin ni Regine ang Journey Into My Heart ni Jonalyn Viray sa November 27 sa Music Museum sa direction ni Rico Gutierrez.

vuukle comment

ACIRC

ALI JOSHUA KATHIBI

ALIAA ARIAN

ANG

BARBIE FORTEZA

BOYET

DINA

HALF SISTERS

NBSP

SHY

THEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with