^

PSN Showbiz

Mga kuwento hindi na rin kapani-paniwala... Dating aktres na ginagawang Quiapo ang Amerika, taong grasa na ang hitsura ngayon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag nakakaengkuwentro ngayon ng mga kakontemporaryo niya ang isang dating aktres ay kani-kanyang pulasan at iwasan na ang mga ito. Hindi ‘yun dahil sa mabaho ang aktres kundi dahil gusto lang nilang huwag ma-stress.

Sobra kasi ang kakulitan ng dating nakilala rin namang aktres, kung anu-ano ang mga pinagsasasabi niya, marami siyang kuwentong mahirap paniwalaan.

Nu’ng minsang ipagkatiwala sa kanya ng isang aktres ang numero ng cellphone nito ay hindi na tumigil ang dating aktres. Dalawampung text messages ang tinatanggap nito araw-araw mula sa dating aktres, wala namang kabuluhan ang mga sinasabi niya sa text, nang-aabala lang siya.

Mag-isa na lang daw siya sa buhay ngayon dahil kinamkam ng kanyang mga kapatid ang mga properties na dapat ay hati-hati sila. Niloko raw siya ng mismong pamilya niya, siya pa raw ang nawalan ng bahay, samantalang nu’ng malaki pa ang kanyang kinikita ay siya ang nagpa-renovate ng kanilang tinitirhan.

Nagdududa ang kanyang mga kasabayan na dahil sa sobrang depresyon ay nagbisyo ang dating aktres. Halatado ‘yun sa mga walang saysay niyang pagkukuwento, sa itsura niya ngayon na para na siyang scavenger, malinis-linis lang nang konti ang kanyang itsura sa mga taong-grasa.

Nu’ng kasalukuyang maganda ang takbo ng career ng dating aktres ay hindi siya nag-ipon. Mahilig siya sa granatsa, madalas siyang magbiyahe, ginagawa lang niyang Quiapo ang Amerika.

Ngayon ay nakikitulog na lang siya sa bahay ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan. Pero minsan-makalawa siyang patuluyin ay hanggang du’n na lang ‘yun, hindi na siya pinapayagang bumalik pa uli, dahil sa sobra niyang pang-aabala.

Reyna sa isang larangan ang isang nirerespetong babaeng personalidad. ‘Yun ang kanyang kapangalan.

Ubos!

Liz Alindogan nadenggoy ng mahigit P9-M ng pekeng businessman!

Nagkakuwentuhan kami sa PNP Custodial Center ng dating miyembro ng Dolphy’s Angels na si Liz Alindogan. Maganda pa rin siya sa paglipas nang mahabang panahon.

May anak si Liz sa kanyang dating karelasyong si Jess Lapid, Jr., kapatid niya si Naty na misis naman ng action star na si Dante Varona, maganda ang buhay ni Liz na nakapangasawa ng isang businessman.

Hindi lang ang pagdalaw kina Senador Jing­goy Estrada at Senador Bong Revilla ang dahilan ng pagpunta ng aktres sa Camp Crame, meron din siyang appointment kay General Razon, mahigit na siyam na milyong piso kasi ang naloko sa kanya ng isang negosyanteng nagpakilalang malapit sa pa­milya Estrada.

At hindi lang siya ang na-scam nito, pati ang da­ting prodyuser na si Jerry Talavera ay nakunan din nito nang mahigit na dalawang milyong piso, kaya gumagawa na sila ngayon ng legal na hakbang para masakote ang businessman kuno.

“Magaling siyang magsalita, paniniwalaan mo ang mga sinasabi niya. May mga ipinakikita siyang dokumento ng mara­ming projects na puwede mong pasukin.

“Name dropper siya, kilala rin namin ang mga pa­­nga­­lang binabanggit niya, ang pagkakamali lang na­min, e, hindi muna kami nag-double check,” pag-amin ni Liz.

Nagkaharap-harap na sila ng negos­yanteng nangako ng mga proyekto sa kanila, naka-video ang kanilang pag-uusap, nangako itong magbabayad pagkatapos nang isang buwan.

Kapag hindi ito tumupad ay may legal nang ak­siyong gagawin si Liz at ang iba pang niloko ng negosyante. Hindi birong halaga ang naloko sa kanya, mahabang panahong pinagtrabahuhan ‘yun ng kanyang mister na businessman, hindi siya makapapayag na mauwi lang ‘yun sa wala.

Bago kami naghiwalay ay natawa kami sa hu­ling komento ng maganda pa ring si Liz Alindogan, “Haaay, naku! Ang syunga-syunga ko talaga!”

vuukle comment

ACIRC

AKTRES

ANG

HINDI

KANYANG

LANG

LIZ

LIZ ALINDOGAN

MGA

SHY

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with