^

PSN Showbiz

Halikan nina James at Nadine, purung-puro!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Para namang hindi teleserye ang On The Wings of Love ng JaDine na  parami ng parami ang manonood habang nagtatagal sa ere.

Para itong isang sine o pelikula na ginawa para sa big screen pero, kinagigiliwan ng ma­rami sa TV screen, in the comforts of their homes.

Hindi lamang ang tambalan  nina James Reid at Nadine Lustre ang nagpapakilig sa manonood kundi ang magandang istorya ng kanilang paghahanap sa ina ng character ni Nadine.

Ang laging nabibitin na halikan ng dalawa ay finally napanood na nu’ng Biyernes ng gabi na matatawag na very pure kiss at kahit kinunan pa ng close-up na walang nakitang makamundong pagnanasa ma­napa’y isang pagdidikit ng isang pares na mga labi. Ang ganda grabe!

Bukod sa magandang istorya ng serye, maganda rin at feel good ‘yung closeness ng pamilya ni Nadine sa Pilipinas kaya mas umi­igting ang kasabikan ng manonood na malaman kung bakit hindi sila inuuwian  ng ina sa kanilang taha­nan.

Maging ang character ni Albie Casiño na dati ay kinamumuhian ng manonood dahil  so­b­rang napaka-bastos sa la­hat ng mga nakaka­sama niya ay biglang nagbago. Salamat sa pagtitiyaga ng kanyang inang si Cherry Pie Picache na isa palang tibo. Maganda rin ang role nina Joel Torre at Bianca Manalo na gumaganap bilang ama at kapatid ni Nadine.

Jasmine hindi handing ma-in love kay Brian

Hindi masagot sagot ni Jasmine Curtis Smith ang pangungulit ng movie press kung ano ang ma­giging kapalaran ng ginagawang panliligaw sa kanya ni Bran Llamanzares, panganay na anak ng presidential hopeful na si Sen. Grace Poe.

Nakita lang kasi nito ang larawan ng nakakabatang kapatid ni Anne Curtis sa isang billboard sa EDSA at lubhang nahulog na ito  sa dalaga at ta­­lagang pinagpursigihang makilala ito kahit pa mag-gatecrush siya sa  presscon  ng isang proyekto nito para sa TV5.

Mabuti na lang at ti­nang­gap ng marami  ang paliwanag ni Brian na hindi niya alam na presscon ang pinuntahan niya at may naapektuhan siyang ibang tao, tulad ng mga makakasama ni Jasmine sa nasabing proyekto.

Pero, kahit tinanggap ng marami ang paliwanag niya ay may mga nakakasingit pa ring pami­min­tas at pamba-bash sa kanya sa hindi magandang paraan na naisip niya para lang makilala ang aktres.

Sinabi naman ni Jasmine sa presscon ng pelikula na magkatulong na ipinrodyus ng Regal Films ni Mother Lily at Reality Entertainment ng anak nito na si Dondon Monteverde at Erik Matti na wala muna siyang panahon para sa love.

Sa sobrang dami ng ginagawa niya ay hindi muna siya makakatanggap ng  manliligaw. Gusto muna niyang mag-focus sa kanyang work. Tsk tsk tsk!

Tila hindi muna uubra ang charm ng ex ni Myrtle Sarrosa kay Jasmine.

Kasama si Jasmine sa Resureksyon, isang horror film, na sa trailer pa lamang ay nakikita na ng lahat ng nakakapanood nito na talagang masusulit ang halagang ibabayad nila sa sinehan. Talagang sa tema pa lamang ng movie ay matatakot na ang manonood.

Palabas ito sa September 14 na nasa direksyon ng pamangkin ni Joel Torre na si Borgy Torre III na una nang naging Best Director para sa pelikulang Kabisera na nanalo sa Cinema One Plus.

vuukle comment

ACIRC

ALBIE CASI

ANG

ANNE CURTIS

BEST DIRECTOR

BIANCA MANALO

HINDI

JOEL TORRE

NADINE

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with