^

PSN Showbiz

Hindi kinaya ng PA aktres praning na, nakikipagtsikahan sa telepono na sira ang linya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kuwento ito ng isang PA (alalay) na matagal na naglingkod sa isang hindi na bata pero hindi pa rin naman katandaang aktres. Taon ang binilang nito sa poder ng kanyang boss.

Maayos naman ang kanilang samahan nu’ng una, palaging ibinabalita ng alalay sa kanyang pamilya sa probinsiya na mabait pala sa tunay na buhay ang aktres na pinagseserbisyuhan nito, palagay ang loob ng kanyang pamilya dahil sa kanyang mga kuwento.

Walang reklamo nu’ng una ang alalay sa kanyang boss, busog ito palagi, maasikaso sa kanyang PA ang aktres. Nakikipaki siya kung mag-utos, marespeto ang aktres sa kanyang PA, hanggang sa isang araw.

Napansin na lang ng alalay na ayaw na itong papasukin ng aktres sa kanyang kuwarto. Sinabihan niya ang kanyang PA na hindi na ito lisensiyadong basta pumasok sa kuwarto niya, kailangan muna niya itong tawagin, kaya takang-taka ang PA.

May mga kaibigang dumarating sa bahay ng aktres, sa kuwarto niya agad ang tuloy ng kanyang tropa, walang puwedeng mang-abala sa kanila.

Kuwento ng aming source, “Mula nu’n, e, naging tantrumera na ang girl, palagi na niyang sinisigaw-sigawan ang PA niya sa set, kesehodang marami silang kaharap. Konting bagay lang, nagwawala na ang boss niya.

“Pinagbabawalan na rin siyang kumain, naging maramot ang aktres, kaya palaging nagugutom ang alalay niya. Isang gabi, hindi na kinaya ng alalay ang lahat, nagpaalam na siya sa aktres na minahal pa naman niya.

“Ang dahilan. Nu’ng nakaraang gabi, e, nakita niyang may inaaway sa landline ang boss niya. Minsang umiiyak ang girl, tumatawa naman kung minsan, tuhog ang mga dialogue at eksena niya.

“Ang hindi kinaya ng alalay, wala palang kausap ang girl, ang landline na gamit niya, e, hindi naman gumagana dahil walang kableng nakakunekta sa mismong box ng telepono,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mga Pinoy sa Canada nilalagnat din sa AlDub

Mukhang hindi posibleng matupad ang hiling ng mga kababayan nating matagal nang nagtatrabaho-naninirahan sa iba-ibang bansa na gustong mapanood sa isang show sina Jose Manalo, Wally Bayola, Alden Richards, at Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Sa Winnipeg, Canada at maging sa Calgary, Edmonton, Vancouver, Red Deer, at Saskatoon ay napakarami nang show producers na nagtatawagan sa amin para madala du’n ang kinahuhumalingan nilang AlDub loveteam.

May lagnat pa rin sila sa AlDub, mataas na mataas na raw ang kanilang fever, gustung-gusto na nilang mapanood nang live ang mga hinahangaan nilang artista ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Malakas ang GMA Pinoy TV sa lahat ng lugar sa Canada, paulit-ulit nilang pinanonood ang kalyeserye dahil sa kanilang video on demand, isang pindot lang nila ay mababalikan na nilang lahat ang episodes na nakalampas sa kanila.

Sabi ni Rey-Ar Reyes, creative consultant ng Pilipino Express News Magazine sa Manitoba, Canada, “Sabi mo nga, may lagnat na ang bayan d’yan sa atin dahil sa AlDub. Isali mo na kami dito sa Winnipeg at sa iba pang lugar ng Canada, mataas na mataas na ang fever namin dito, nagdedeliryo na kami, dalhin na sana agad dito ang AlDub!

“Kahit saan ka magpunta dito, sila ang pinagkukuwentuhan ng mga Pinoy. Pumunta ka sa mga coffee shop (Tim Hortons), sa mall, kahit saan, panalung-panalo ang AlDub dito!” pagbabalita pa ng aming kaibigan-anak-anakan sa Winnipeg, Canada.

Binubulabog na talaga ng AlDub pati ang kamalayan ng mga kababayan natin sa iba-ibang bansa. Hindi na sila pang-Pilipinas lang, abot na abot na nila ang bawat sulok ng mundo basta may Pilipino, epidemya talaga ang hatid ng tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub!

vuukle comment

ACIRC

AKTRES

ALALAY

ALDEN RICHARDS

ALDUB

ANG

HINDI

KANYANG

MGA

NIYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with