^

PSN Showbiz

Bag ng misis ng sikat na personalidad nabiktima ng pagiging inggitera ng aktres/TV Host

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May mga tao talagang walang kasiyahan. Mabuti pa nga raw ang matakaw ay may kabusugan, pero ang inggitera ay hindi tumitigil sa kanyang kainsekyuran.

Ang bumibida sa kuwentuhan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ay meron na kung tutuusin ng lahat-lahat. Wala na siyang pinapangarap na makuha pa, nasa mga palad na niya ang lahat ng granatsang pinapangarap ng kahit sino, kaya dapat ay may kasiyahan na siya.

Pero hindi. Malaking problema para sa kanya ang maungusan ng kanyang kapwa. Kapag may nakikita siyang branded na kagamitan ng mga co-stars niya ay agad na siyang nakatanong kung saan ‘yun nabili, kung magkano at kung marami bang stock ang shop, dahil iba-ibang kulay ang bibilhin niya.

Minsan ay nakita niya ang misis ng isang sikat na male personality, napansin niya agad ang branded bag nito na siguro’y wala pa siya, kaya inurirat niya agad ang kasamang kaibigan ng wife ng sikat na lalaking personalidad.

Ang kanyang tanong, “Did she buy that? How much? How many of that style does she have?” Naloka ang friend ng misis ng sikat na male personality, hindi kasi nito akalain na inggitera pala ang sikat na female personality, talagang hindi niya tinantanan ang taong ‘yun hanggang sa malaman na niya kung saan mabibili ang branded bag.

Sabi ng kaibigan ng wife ng super-sikat na male personality, “Naloka ako! Kasasabi ko lang kung saan nabili ni ____(pangalan ng asawa ng sikat na lalaking personalidad) ang branded bag niya, agad-agad, tumawag na agad ang girl sa shop?

“Inalam niya agad kung ilang bag na ganu’n ang binili ng kinaiinggitan niyang babae, check daw ba o cash ang ipinambayad niya? Three colors ang binili niya, nalaman niya kasi na dalawa ang binili ng wife ng sikat na male personality.

“Kung sinabi ng sales agent na apat ang binili ng misis ng sikat na male personality, lima ang bibilhin niya. Ganu’n siya katindi, ayaw niya palang may nakadadaig sa kanya!” kuwento pa ng kaibigan ng wife ng sikat na sikat na male personality na super-duper-yaman na ngayon.

Oh! Siya lang ang may K na gumawa ng ganu’n! Agad-agad, iba-ibang kulay, siya lang talaga! Ubos!

Aktor nakakaawa Cesar hindi na naglalalabas sa kahihiyang ibinintang ni Sunshine

May mga pagkakataon palang may kailangang puntahan si Cesar Montano na hindi natutuloy. Lalo na kung pampubliko ang lugar, asahan nang hindi siya darating, sagad hanggang buto pala ang pagkapahiyang inabot ng aktor sa pinakahuling akusasyon laban sa kanya ni Sunshine Cruz.

Kuwento ng aming source, “May aanakin siya sa binyag, gustung-gusto niyang um-attend, pero nagdadalawang-isip siya. Humihingi na lang siya ng dispensa sa family ng bibinyagan, nagpapadala na lang siya ng regalo, hindi na lang siya nagpupunta.”

Ito na nga naman ang pinakamatinding bintang na maaaring ipukol laban sa isang ama, ang palabasin siyang bastos, walang respeto pati sa kanyang mga anak para lang maisakatuparan ang kanyang personal na kaligayahan.

Pero ayon naman kay Sunshine ay hindi nito inimbento lang ang mga kuwento, mismong mga anak nila ang nagsabing nagparaos siya sa harap ng mga bata, isang istoryang isinusuka ng magaling na aktor.

Komento pa ng isang malapit kay Cesar, “Awang-awa ako kay Buboy. Para siyang nagtatago ngayon sa kahon. Lumiit ang mundo niya dahil sa ibinibintang sa kanya ni Sunshine.

“Okey lang siguro kung pagiging babaero niya ang issue, e. Kaya pa niyang palampasin ‘yun. Pero ‘yung kuwentong sa harapan mismo ng mga anak niya, e, nagparaos siya? Wala na nga namang mas bababoy pa du’n!”

vuukle comment

AGAD

KUNG

LANG

NIYA

PERO

SIKAT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with