^

PSN Showbiz

Geneva naudlot na naman sa mapapangasawa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa magpipinsang Geneva, Donna, Sheryl, at Sunshine Cruz, tanging si Donna na lamang ang buo at hindi hiwalay sa asawa. Naunang nang kumalas sa kani-kanilang asawa sina Geneva, Sheryl, at Sunshine. Dalawang beses nang nahiwalay si Geneva sa asawa. Sa first husband niyang si Paco Ares­pacochaga at sa second husband niyang si KC Montero. Si Sheryl ay may ilang taon na ring hiwalay sa kanyang US-based husband na si Norman Bustos habang may ongoing legal battle naman ngayon ang estranged couple na sina Sunshine at Cesar Montano.

Sa magpipinsan, si Sheryl ang pinakapanganay (40), kasunod si Geneva (39), Donna (38), at si Sunshine (37) pero magkakasunod lamang ang kanilang mga edad.

Seventeen years nang kasal si Donna sa kanyang Cebu-based doctor husband na si Dr. Yong Larrazabal at meron na silang tatlong teenage children – sina Belle, Gio, at Cian. May dalawang anak naman si Geneva – sina Heaven Arespacochaga at London Cruz, may isang anak si Sheryl sa kanyang ex-husband na si Ashley Nicole habang may tatlong anak naman na babae si Sunshine sa kanyang dating mister na si Cesar Montano – sina  Angel Francheska, Samantha Angeline, at Angeline Isabelle.

Engaged to ba married na sana si Geneva sa kanyang Filipino-Australian fiancé na si Lee Paulsen nang sila’y maghiwalay two days after isilang ng singer ang kanilang baby girl.

Sam Concepcion naunsyami na ang career

Wala mang personal na pag-amin mula sa (dating) magkasintahang Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion, tila totoo ang mga naglalabasang balita na hiwalay na nga ang magkasintahan na nitong nakaraang Enero lamang umano naging opisyal.

Tahimik pa rin sina Sam at Jasmine sa kanilang rumored break-up hanggang ngayon. 

Kung matatandaan pa, hindi pabor ang nakatatandang kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis kay Sam pero hindi man lamang daw nagawa ni Sam na mag-reach out sa ate ni Jasmine kaya never na naging close si Sam kay Anne.

Speaking of Sam, hanggang ngayon ay marami ang nagtataka kung bakit naungusan pa siya sa kasikatan ni Enrique Gil considering na mas nauna siya rito.

Guwapo, magaling na actor-singer-dancer, at mag-host si Sam pero tila nauudlot ang patuloy na pag-usad ng kanyang career. 

Ano kaya ang kulang kay Sam considering that he has all the potentials ng isang major star? (Ay baka po kulang siya sa height. Hahaha. - SVA)

vuukle comment

ANGEL FRANCHESKA

ANGELINE ISABELLE

ANNE CURTIS

ASHLEY NICOLE

CESAR MONTANO

DR. YONG LARRAZABAL

ENRIQUE GIL

SAM

SAM CONCEPCION

SHERYL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with