^

PSN Showbiz

Richard wala nang planong balikan si Maya

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Muling nag-host si Richard Yap ng isang salu-salo na dinaluhan ng mga kaibigan niya sa entertainment press na ginanap sa kanyang co-owned Chinese res­­taurant along Tomas Morato in Quezon City, ang Wang Fu. Nagsilbi na rin itong belated Chinese New Year celebration.

Inihayag din ni Richard ang magandang balita na muli siyang babalik sa telebisyon sa pamama­gitan ng isang bagong teleserye kung saan niya ma­ka­katambal ang Teleserye Queen na si Judy Ann Santos na may pamagat na Someone to Watch Over Me.

Richard catapulted to fame nang kanyang gampanan ang papel ni Ser Chief sa hit morning TV series na Be Careful with My Heart na pinagtambalan nila ni Jodi Sta. Maria (Maya) at tumagal sa ere ng dalawang taon at kalahati. Unang napanood si Richard sa Binondo Girl ni Kim Chiu kung saan naman siya unang nakilala sa kanyang papel na Papa Chen.

Sa kabila ng tinatamasang tagumpay ni Richard bilang actor, celebrity endorser, at businessman, na­na­tili siyang grounded at family-oriented.

Nang magtapos ang Be Careful with My Heart, hindi rin agad nakapagpahinga si Richard dahil sa shooting ng record-breaking movie na The Amazing Praybeyt Benjamin na siyang nanguna sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF). Pagkatapos ng shooting, promo at awards night last December 27 ng MMFF ay saka lamang nakapagbakasyon sa loob ng isang linggo si Richard kasama ang wife niyang si Melody at dalawa nilang anak sa Hong Kong.

Samantala, tinanong namin si Richard kung matu­tuloy pa rin ba ang pagsasapelikula nila ni Jodi Sta. Maria ng movie version ng Be Careful with My Heart at sinabi nitong hindi na dahil may ibang mga proyekto ang nakalaan para sa kanila ni Jodi ng magkahiwalay. Naging balita kasi noon na isasapelikula ang Be Careful with My Heart at isasali sana sa MMFF.

Birthday party ni Alonzo bongga, may fireworks pa!

Nagmistulang theme park ang sprawling MO­WEL­FUND grounds last Sunday (Feb. 22) sa ikalimang birthday celebration ng tinaguriang bagong Child Wonder na si Alonzo Muhlach kung saan prominent ang paborito nitong character na Baymax ng Disney’s Big Hero 6 movie.

Nag-enjoy ang mga batang bisita ni Alonzo dahil bukod sa iba’t ibang kiddie activities and food, inabangan nang husto ang ama­zing laser show ng Laser Man na si JB dela Cruz, at fireworks.

Habang inihahanda ang launching movie ni Alonzo under Viva Films, may tatlong programa ang bunso ni Niño Muhlach sa bakuran ng ABS-CBN, ang kiddie gag show na Goin’ Bulilit at malapit nang mapanood na TV series na Inday Bote at summer special ng Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treatures.  Malapit na rin i-launch ang unang product endorsement niya.

 

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN

BE CAREFUL

BIG HERO

JODI STA

MY HEART

RICHARD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with