^

PSN Showbiz

Radyo5 nagdiwang sa tagumpay ng Taxi Squad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang matagumpay na kampanya ng Radyo5 Taxi Squad sa nagdaang taon, kung saan bukod sa patuloy na dumarami  ang mga active members nito sa iba’t ibang parte ng bansa ay umani rin ito ng papuri mula sa mga award-giving bodies at local government offices, ay sinalubong naman ng buong puwersa ng Radyo5 ang taong 2015 sa pamamagitan ng isang espesyal na Thanksgiving Salo Salo, kung saan dumalo ang ilang piling miyembro ng Taxi Squad na kinilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa tanyag na public service campaign ng Kapatid Network.

Espesyal na panauhin sa eksklusibong event na ito ang tatlumpung taxi dri­vers na ki­­ni­lala sa kanilang pagre-report ng mga ma­ha­halagang balita habang sila ay na­ma­ma­sa­da buong taon. Ang Thanksgi­ving Salo Salo ay kamakailang ginanap sa bagong head­quar­ters ng News5 sa Reliance, Mandalu­yong City, kung saan nakita ng mga Taxi Squad members mismo ang mga umaatikabong aksyong nagaganap sa isang newsroom. Laking tuwa rin ang hinatid ng pagkakataong ito dahil nakita ng mga Taxi Squad members ang ilan sa mga pinakapaborito nilang mga Radyo5 anchors, kabilang ang mismong Hepe ng News5 na si Luchi Cruz-Valdes, kasama rin ang co-anchor niya sa programang Relasyon na si Attorney Mel Sta. Maria, ang beteranong broadcaster at Aksyon Solusyon anchor na si Alex Tinsay, at ang anchor ng Cristy Ferminute, ang nag-iisang Nanay Cristy Fermin.

Mas lalo namang hindi natago ng mga Taxi Squad members ang kanilang tuwa nang bigyan sila ng pambihirang pagkakataong personal na makasama at mas makilala ang kanilang mga idolo pagdating sa buong-tapang na pagbibigay ng mga payo at opinyon – ang mga Tulfo brothers.  Tila naging kompleto na ang araw nila nang sila ay imbitahin maging live studio audience sa multi-awarded na programang T3: Enforced, na sinundan naman ng isang live on-air interview sa top-rating Radyo5 program na Wanted sa Radyo, kasama ang kanilang Idol Raffy Tulfo.

Hindi lang doon natapos ang kasiyahan sa pagdiriwang dahil ang ilan sa mga hinirang na Taxi Squad members ay nakatanggap din ng mga malalaking prem­yo mula sa raffle draw, na sinamahan din ng kaliwa’t kanang photo oppor­tunities, awarding ceremonies, at ang ceremonial signing ng Taxi Squad wall bilang paggunita sa espesyal na event na ito.

vuukle comment

AKSYON SOLUSYON

ALEX TINSAY

ANG THANKSGI

ATTORNEY MEL STA

RADYO

SHY

TAXI

TAXI SQUAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with