^

PSN Showbiz

Erap mabilis magpatawad!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Forgiving talaga si Papa Joseph Estrada. Pinatawad agad niya si former Sr. Superintendent  Cezar Mancao II  nang humingi ito ng tawad dahil sa pagdadawit sa kanya sa Dacer-Corbito  double murder case.

Nagpahiwatig ng pagsuko si Mancao na nakonsyensya dahil sa mga mensahe ni Pope Francis nang bumisita ito sa ating bansa noong January 15 hanggang January 19.

Kung matatandaan ninyo, pinatawad din ni Papa Erap ang mga tao na dahilan ng wala sa oras na pamamaalam niya sa Malacañang  bilang pangulo ng Pilipinas  noong 2001.

Napakasakit ng mga ginawa kay Papa Erap pero nagawa niya na magpatawad at kalimutan ang lahat. Imbes na magalit kay Mancao, nagpasalamat si Papa Erap dahil naliwanagan ang pag-iisip ng accuser niya.

Dahil sa bagong rebelasyon ni Mancao, supalpal at nanahimik  ang mga tao na naniwala sa kanyang mga sinabi. Mga tao na agad na hinusgahan ang pagkatao ni Papa Erap.

Napatunayan ni Papa Erap na totoo ang pagtatanggol niya noon sa sarili. Consistent si Papa Erap sa pagsasabi na wala siyang kinalaman sa krimen na ibinibintang sa kanya ni Mancao.

Inaabangan ng lahat ang pagsuko ni Mancao. Gustong malaman ng publiko ang dahilan niya sa pagdadamay kay Papa Erap sa  kaso ng pagpatay kina Dacer at Corbito.

May isang insidente na nangyari noong isang araw sa Binondo na lalong nagpatibay ng paghanga kay Papa Erap ng mga tao.

Isang matandang babae na biktima ng hit-and-run ang tinulungan ni Papa Erap.

Nadaaan ni Papa Erap ang naganap na aksidente at imbes na utusan niya ang kanyang mga tauhan, bumaba siya mula sa sasakyan at personal na tinulungan ang biktima.

Tumulong din si Papa Erap para mahuli ang driver ng sasakyan na nakasagasa sa pobreng biktima. ’Yan ang tunay na makatao kaya mahal na mahal si Papa Erap ng masa.

ATC may kapsula parasa matatandang nakakaramdam ng sakit sa kasu-kasuan

Mama Salve, may lambing si Leah Salterio tungkol sa mga produkto ng ATC Healthcare Corp. na ini-endorso nina Amy Perez,  Nikki Gil, Raffy Tulfo, Jackie Rice at Iya Villania.

Ang lima ang mga endorser ng mga food supplement products ng ATC na may bagong ipinakikilala, ang GlucoMax Dietary Supplement na perfect para sa mga senior citizen na tulad ko.

Habang tumatanda tayo, humihina ang ating mga katawan, kaya ‘di na kaya ng maraming mga matatanda na sumabak  sa sports.

Kapag napansin mo ang marupok at naninigas na ang mga kasu-kasuan na sinamahan pa ng matinding sakit, baka arthritis na ‘yan.
Wala pa raw nadidiskubre na gamot  para sa arthritis pero may mga food supplement na may mga sangkap na ginagamit para maging mas maginhawa at madali ang buhay para sa mga tao na may arthritis.

Ang sey ni Leah, isiniksik ng ATC Healthcare Corp. ang mga sangkap na kilalang mabisa kontra arthritis sa isang abot-kaya na supplement, ang GlucoMax Dietary Supplement.

Ang Glucosamine, Chondroitin at Methylsulfonymethane ang ingredients na  ginagamit para mabawasan ang pananakit, paninigas, at pamamaga ng mga kasu-kasuan.

Nakakatulong din ang mga nasabing sangkap  para i-restore ang ating  damaged cells sa mga kasu-kasuan. 

Very affordable ang presyo ng GlucoMax na mabibili sa  halaga na P7.80 per capsule. Ito ay maaaring inumin ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. Available ang  GlucoMax sa Mercury Drug at ibang drugstores.

vuukle comment

AMY PEREZ

ANG GLUCOSAMINE

DIETARY SUPPLEMENT

ERAP

HEALTHCARE CORP

MANCAO

PAPA

PAPA ERAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with