^

PSN Showbiz

Valentine’s date sa hot air balloon fiesta ipamimigay ng Jeepney TV

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makikipagtambalan ang Jeepney TV, ang tahanan ng mga ‘di malilimutang Filipino TV shows, kasama ang 19th Philippine Hot Air Balloon Fiesta (PIHABF) para sa isang espesyal na Valentine’s show ngayong Pebrero 14 (Sabado), sa Clark Field Pampanga.

Para sa ika-19 na taon ng festival na tinaguriang na “weekend of everything that flies,” apat na araw simula Pebrero 12 hanggang 15 mapapanood ang iba’t ibang makulay na hot air balloons sa himpapawid ng Clark. Pero maliban sa hot air balloons, tampok rin sa festival ang paragliding at skydiving exhibitions, aerobatic shows, isang grand fireworks display, at marami pang iba.

Dahil nataon ang Hot Air Balloon Fiesta sa araw ng mga puso, handog ng Jeepney TV ang isang Valentine’s concert sa Sabado (Pebrero 14) sa Clark Field Pampanga na, Love is in the Air, na pangungunahan ng singer-songwriter na si Aiza Seguerra kasama ang host na si DJ Chacha ng MOR 101.9. Sa Jeepney TV Valentine’s event, manghaharana si Aiza at iba pang surprise guests sa Clark kung saan tampok ang mga paboritong love songs at iba pang hits sa concert.

Bilang handog ngayong Valentine’s season, mamimigay rin ang Jeepney TV ng passes para sa 19th Philippine Hot Air Balloon Fiesta  sa Clark Field Pampanga para mapanood ang Jeepney TV Valentine’s event. Para manalo ng passes, kailangan lang sagutin ang tanong na, “sino o sinu-sino ang gusto mong makasama sa Hot Air Balloon Fiesta ngayong Valentine’s Day at bakit?”

Ipadala ang mga sagot via private message sa official Facebook page ng Jeepney TV (https://www.facebook.com/JeepneyTV) kasama ang buong pangalan, edad, at contact number. Ang deadline ng submission ng entries ay ngayong Pebrero 8 (Linggo), 11:59PM at ang mga swerteng mananalo ng passes ay i-aanunsyo sa Jeepney TV Facebook page sa Pebrero 9 (Lunes).

I-send na ang best answers at sumali na!

vuukle comment

AIR

AIZA SEGUERRA

CLARK FIELD PAMPANGA

FACEBOOK

HOT AIR BALLOON FIESTA

JEEPNEY

PEBRERO

PHILIPPINE HOT AIR BALLOON FIESTA

SA JEEPNEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with