^

PSN Showbiz

Sen. Bong at Sen. Jinggoy nakimisa kay Pope Francis kahapon

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Suportado talaga ng mga fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang DongYan Wedding Special na inilabas na ang first part kamakalawa ng gabi, pagkatapos ng Magpakailanman.

Sa social media ay tuluy-tuloy ang posts ng mga Dongyanatics at ilang pang fans club ng bagong kasal.

Ang komento lang ng karamihan, sana hindi na raw isinabay sa full co­verage ng Papal Visit ang wedding special ng Royal couple.

Pero may part two pa ito at mapapanood naman sa January 24 sa ganun pa ring oras.

PAK: Itinanggi ni Derek Ramsay ang tanong namin kung isa nga siya sa mga producer ng English Only, Please na tumabo nang husto sa takilya nung nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014.

Nagulat siya nang tinanong namin dahil ang sabi sa amin ni Jennylyn Mercado, kabilang sila sa mga producer na kung saan na-waive ang kanilang talent fee para iyon maging partisipasyon nila sa produksyon ng naturang pelikula.

“Echoserang frog siya ha! Hindi ako ang producer…sana,” bulalas ni Derek.

Nagpabawas lang daw siya ng talent fee para mabuo ang project, pero hindi raw niya maituturing na producer na rin siya dahil wala naman daw siyang inilabas na puhunan.

Hindi pa raw siya handang pasukin ang pagpu-produce dahil mahirap daw ‘yan sa ngayon na marami pa siyang inaasikaso.

“Gusto ko ‘pag may project ako, ang focus ko dun lang. Ayokong mag-worry about the production,” pakli nito.

Sa Linggo, January 25 ay magsisimula na ang kakaibang sitcom ni Derek sa TV5 kasama si Empoy na pinamagatang Mac & Chiz.

BOOM: Kahit naka-detain pa rin sa Camp Crame sina Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada, nakatutok pa rin sila sa nagaganap sa Papal Visit ni Pope Francis.

Nasa TV sa may visitor’s lounge lang sila nakabantay at doon na rin sila nakisimba sa misa ng Santo Papa.

Si Sen. Bong pala ang pumigil kay Cong. Lani Mercado na tumuloy sa Tacloban dahil sa sama ng panahon.

Mahihirapan lang daw si Lani na makabalik ng Maynila dahil sa papa­lakas ng bagyong Amang, kaya sinamahan na lang ni Lani si Sen. Bong sa Camp Crame. Nagpaliwanag naman si Lani sa ilang tumitira sa kanila dahil sa inilagay nilang billboard na nagwi-welcome kay Pope Francis.

Wala namang litrato nila ni Mayor Strike Revilla doon sa billboard kundi naglagay lang ng Welcome Pope Francis. Tingin daw nila, hindi naman masama ‘yung gusto mo lang namang makiisa sa pag-welcome sa pinakamataas na leader ng simbahang Katoliko. Kaya tingin naman daw nina Lani, hindi pang-i-epal iyun.

“Kahit hindi naman dadaan sa Cavite si Pope Francis, mabuti na ‘yung kasama rin kami sa pag-welcome sa kanya,” pahayag ni Lani.

vuukle comment

BONG REVILLA

CAMP CRAME

DEREK

DEREK RAMSAY

DINGDONG DANTES

LANG

LANI

PAPAL VISIT

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with