^

PSN Showbiz

Marlo pabagu-bago ng pangalan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi ikinakaila ng twenty-two-year-old actor-singer na si Marlo Mortel na may gusto siya sa kanyang ka-loveteam na si Janella Salvador who is only 16 years old. Pero nakahanda umano siyang maghintay sa teenstar hanggang sa ready na itong makipagrelasyon (sa kanya).

Sa ngayon ay ina-appreaciate niya ang closeness nila ng teenstar daughter ng veteran singers na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador.

Ang closeness nina Marlo at Janella ay nagsimula sa nagtapos na hit morning TV series na Be Careful with My Heart kung saan nakilala ang kanilang tambalan at siyang nagbunsod sa management ng ABS-CBN na sila’y i-launch sa kanilang sariling TV series ang Oh My G! na magsisimulang mapanood sa darating na Lunes, January 19.

Although isa nang Kapamilya si Marlo, siya’y nagsimula sa bakuran ng GMA nang siya’y sumali sa 5th season ng artista search na StarStruck. Naging bahagi rin siya ng long-running late night show ni German `Kuya Germs’ Moreno na Walang Tulugan with the Master Showman at napasama sa teen TV series na Reel Love: Tween Hearts.

Bago ang kanyang screen name na Marlo Mortel ay gumamit siya ng dalawang iba pang screen names, ang Marlowe Pamintuan at John Miguel.

Pagkatapos ng kanyang tatlong taon bilang Kapuso, lumipat ng ABS-CBN si Marlo nang sumali sa X Factor Philippines.

Breakthrough na maituturing ang kanyang pagkakasama sa cast ng Be Careful with My Heart na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap kung saan naman tinangkilik ang loveteam nila ni Janella. Sa programa rin nakilala ang kanyang character na Nicolo Angelo Cortez.

Bukod sa Be Careful with My Heart na tumagal sa ere ng mahigit dalawang taon at nagtapos last November 28, 2014, dalawang beses ding nagkasama sina Marlo at Janella sa long-running drama anthology ng Dos na Maalaala Mo Kaya.

Iñigo hindi pa rin kabisado ang mundo ng ama

Ngayong pinasok na rin ng kaisa-isang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo ang mundo ng showbiz, tiyak na hindi ito ligtas sa mga intriga. Katunayan, kahit bago pa lamang si Iñigo sa showbiz ay binabato na agad ito ng iba’t ibang intriga na unti-unti na rin niyang natatanggap at nakakasanayan.

Palibhasa’y laking Amerika at hindi pa pumapasok ang showbiz system sa kanyang katawan, very open si Iñigo sa kanyang mga pahayag sa anumang tanong o komento na ipinupukol sa kanya.

Iñigo is glad na nariyan ang kanyang amang si Piolo to guide him. Naiintindihan ni Iñigo na katakut-takot ding mga intriga ang ibinato sa kanyang ama pero nanatili itong matatag dahil na rin siguro sa kanyang matinding pananampalataya sa Diyos.

Matapos mapanood si Iñigo sa teen movie na Relaks, It’s Just Pag-ibig, nasasabak na rin ang teen actor sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN , meron naman silang series ng Wansapanataym ni Julia Barretto kung kanino nga­yon iniuugnay ang batang Pascual.

Carlos Agassi nagpaparamdam uli

Matagal nang freelancer ang TV host-rapper-actor na si Carlos Agassi na isa sa mga original members noon ng The Hunks ng ABS-CBN na kinabibila­ngan nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, at Bernard Palanca.

While he’s still very much around hosting corporate shows and TV guestings, looking forward si Carlos na maging aktibong muli sa kanyang hosting and acting career.

Last Sunday ay naging special guest siya ng Sunday All Stars ng GMA.

vuukle comment

BE CAREFUL

CARLOS AGASSI

JANELLA

KANYANG

MARLO

MARLO MORTEL

MY HEART

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with