^

PSN Showbiz

May ex-wife at anak...Bela jackpot, karelasyong non-showbiz anak ng bilyonaryo!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
May ex-wife at anak...Bela jackpot, karelasyong non-showbiz anak ng bilyonaryo!
Martin Tan at Bela Padilla

Kinumpira ng isang source ang koneksyon ng karelasyon ni Bela Padilla na si Martin Tan kay Lo­renzo Villanueva Tan na kilalang Mr. Turnaround sa banking industry.

Sinabi nga ng source na ito nga ang only son ng banker na sinasabi nilang walang katapusan ang mga tagumpay, simula noong 1998 nang siya ang naging pinakabatang presidente ng isang universal bank sa bansa sa edad na 37.

Inamin na nina Bela at ng tech entrepreneur and CEO na si Martin Tan ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng isang casual interview sa isang content creator na nag-iikot sa iba’t ibang lugar, na couple sila habang nasa Sunday Market sa Legazpi Village.

Diretsahan silang tinanong ni Johnny K kung sila ba ay isang couple. Mabilis na “Yes” ang sagot ni Bela.

Inamin ng negosyante na only child ng RCBC owner at former flight stewardees na nagkakikilala sila ni Bela sa pamamagitan ng isang common friend.

At ang isang connection aniya nila, ang pagiging movie lovers. “He said he likes movies, and I love movies also, so I was very, very excited when he started talking about this,” sabi ng actress sa nasabing interview.

At ang tagal na pala nila, eight months na.

At nang tanungin ang CEO ng Tenext.ai na naka-base sa Singapore, pinakagusto raw niya kay Bela ay : “Her brain, and she’s funny and beautiful.”

Si Bela naman ay inamin na ang pagiging adventurous at pagi­ging game ng karelasyon ang ilan sa nagustuhan niya rito. “He’s game to try everything, like going to markets even if it’s early. What else? He is pogi,” sabi ng actress.

“I don’t wanna say it because people will start DM-ing you,” sey pa niya.

At tuwing may pinagdaraanan daw siya, lagi itong andyan. “When he knows I’m going through something, he’ll plan a trip. Yeah, I think beach trips, that’s my fave,” sabi pa ni Bela.

Ito ang first time na kinunfirm nila ang kanilang relationship.

Dumating ang kumpirmasyong ito matapos makitang magkasama ang dalawa nang ilang beses nitong mga nakaraang buwan, na naging basehan ng mga speculation na hindi sila basta magkaibigan lang.

Matatandaang sa premiere ng palabas pa ring pelikula ni Bela, pabiro pang umiwas ang actress sa mga tanong tungkol sa kanyang love life sa pagsasabing, “Jowa reveal? Wala pa!”

Nagbiro rin siya noon na kailangan ng kanyang susunod na boyfriend ang aprroval ng kanyang co-star na si Maricel Soriano.

Pero lumabas na  walong buwan na pala ang relasyon ni Bela noong ibinigay niya ang sagot na “wala pa.”

May ex-wife at anak na rin diumano si Martin Tan na galing sa isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas na ang mga pag-aaring negosyo ay nakaba-base sa Singapore.

Kung ikakasal si Bela kay Martin, magiging kaliga na niya sina Bea Alonzo (Vincent Co) at Erich Gonzales (Mateo Lorenzo) na nakapangasawa ng galing sa old rich family.

 

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with