Sinamahan ng maraming artista...presyuhan ng ticket sa Eala live, abot hanggang P64,000

Pang mayaman pala ang presyuhan ng ticket sa Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate na gaganapin sa December 8, 2026, sa Philippine Arena sa Bulacan.
Ayon sa press release na kumalat sa social media, ipagdiriwang ng event na ito ang matagumpay na season ni Alex sa pamamagitan ng isang exhibition match na dadaluhan ng mga celebrity tulad nina Manny Pacquiao, Anne Curtis, Piolo Pascual, Julia Barretto, Donny Pangilinan, at Andrea Brillantes, kasama ang kanyang main match laban kay Janice Tjen ng Indonesia.
Nag-umpisa na kahapon ang bentahan ng mga tiket sa TicketWorld, na diumano’y nagkakahalaga nga ng mula PHP 618 hanggang PHP 63,705.50 para sa mga premium package na may kasamang gala dinner.
Maraming natuwa at maraming mga showbiz personality na kasama sa nasabing event, pero may mga pakiusap at panawagan din naman na dapat ding bigyang-pansin ang iba pang mga batang may potential sa tennis upang mas mapalago ang nasabing sport kesa samahan ito ng mga celebrity.
Isa pang tanong nila, show ba ito or may rampahan ba at kailangan maraming celebrity?
- Latest

























