^

PSN Showbiz

Asia’s Songbird, makikisaya sa Ati-Atihan Festival sa Kalibo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang star-studded na Ati-Atihan Festival celebration ang masasaksihan sa Kalibo, Aklan ngayong linggo dahil makikisaya ang ilang Kapuso prime stars sa tinaguriang Mother of All Philippine Festivals.

Sa ika-limang pagkakataon, makakatuwang ng Municipality of Kalibo at ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. ang GMA Network sa paghahandog ng all-party at all-positive vibe event para sa mga Aklanon.

Opisyal na nagsimula ang Kapuso festivities noong Enero 9 sa ABL Auditorium kung saan ginanap ang 2015 Mutya it Kalibo Ati-Atihan beauty pageant. Saksi sa impressive performances ng mga kalahok sina Kris Bernal na nagsilbing judge, Chynna Ortaleza na nag-host ng patimpalak, at Mike Tan na nangharana naman sa mga contestant.

Samantala, walang iba kundi ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang bibida at magpapamalas ng kanyang trademark vocals sa Kapuso Night na gaganapin sa Kalibo Pastrana Park ngayong Enero 13, 7 p.m. Makakasama niya sa isang unforgettable live performance sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, at Betong Sumaya mula sa primetime series na Once Upon A Kiss.

Sa Enero 14, ang Aklanon fans ng Kapuso heartthrobs na sina Alden Richards, Steven Silva, at Rocco Nacino ay magkakaroon ng pagkakataong makita ang kanilang mga idolo sa Ati-Atihan parade simula 2PM.

Mapapanood ang highlights ng Ati-Atihan Festival sa Let’s Fiesta TV Special na ipapalabas sa Enero 18 sa pamamagitan ng GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at CDO.

vuukle comment

AKLANON

ALDEN RICHARDS

ATI-ATIHAN FESTIVAL

ATI-ATIHAN FOUNDATION

BETONG SUMAYA

BIANCA UMALI

CHYNNA ORTALEZA

ENERO

KALIBO ATI-ATIHAN

KAPUSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with