^

PSN Showbiz

Gab nakakawala na sa anino ni Gary V.

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maaring ikagalit sa akin si Gab Valenciano ang hindi ko pagtawag sa kanya sa pangalan niya kundi bilang anak ng isang music icon sa Pilipinas. Ang pagkakaro’n ng sarili niyang identity ang nagbunsod sa anak ni Gary Valenciano para lumabas ng bansa. Nu’ng naririto siya sa ‘Pinas, ang anumang tagumpay na tinatamasa niya ay bunga lamang daw ng implu­wensya ng kanyang ama at hindi dahil sa kanyang sa­riling pagsisikap. Nag-aral siya sa Florida at nakatapos ng kursong Recording Arts.

Bukod sa nakilala siya sa pambihira niyang talento sa paggawa ng selfie videos na nagbigay ng inspirasyon para sa sikat na si Beyoncé at kunsultahin si Gab para sa music video ng kanyang kantang 7/11. At oo, nakakapagdirek na siya ng mga music video, ang pinakahuli nga ay ang video para sa isang single ni Jessica Sanchez na may pamagat na This Love. Napapanood na ito sa YouTube at nagtala na ng 100,000 views at 3,500 likes.

Heart nagagawang magpinta kahit aligaga

Mapupuri mo naman itong si Heart Evangelista dahil sa kabila ng kanyang kaabalahan sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib ni Sen. Chiz Escudero sa Pebre­ro 15 ay nagagawa pa niyang magpinta. Matapos ang isang matagumpay na painting exhibit ilang bu­wan na ang nakararaan ay nagawa niyang magpin­tang muli at magkapag-ex­hibit sa Singapore na pina­ngalanan niyang Love Marie nung January 8-10. Sold out agad ang mga nasabing paintings na iki­na­­ung­kot ng mga nahuling dumating dahil gusto rin nilang magmay-ari ng paintings ni Heart. Kinakailangan pa nilang sundan ang mga aktibidad ng aktres para malaman kung kailan muli ito magkakaro’n ng exhibit para makabili sila ng mga paintings nito.

Samantala, napaka-generous naman ng future groom ni Heart na si Sen. Chiz nang sabihin na buong lugod nilang ma­iin­tindihan kung hindi makadadalo si P-Noy sa ka­nilang kasal. Sa senador pa mismo nanggaling ang suhestyon na huwag na ngang magpakita sa kanilang wedding ang pangulo at sa reception na lang pumunta para hindi na ito mapintasan ng ating mga kababayaan tulad nang nangyari sa pagdalo niya sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Toni di hamak na mas mayaman kay Alex

Sa kabila ng pagsasabong ng madla sa magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, hindi umiikli ang samahan ng magkapatid. Katunayan, kahit mas maraming proyekto si Alex sa ate Toni niya na ang ibig sabihin ay marami na rin siyang kita, balitang ibi­nili siya nito ng isang van. Pero hindi naman ito na­ngangahulugang walang sariling sasakyan ang nakakabatang Gonzaga.

Magkasama rin sila pupunta ng Cebu para sa pagpapalabas dun ng Celestine concert ni Toni kung saan bahagi si Alex.

Onemig nanggulat sa ‘pagbabalik’

Matagal nang hindi naririnig ang pangalan ni Onemig Bondoc sa showbiz. Ang alam lang ng publiko, nag-asawa siya at may dalawang anak na. Kaya nagulat ang lahat nang makita siya kama­kailan na umaapela sa korte dahil gusto niyang maibigay sa kanya ang custody ng dalawa niyang anak na isang pitong taon na babae at isang taong gulang na lalaki mula sa kanyang asawang si Vale­rie Bariou na sinabi niyang ayaw niyang magpalaki ng kanilang mga anak.

Ikinasal ang dalawa nung 2008. Isang mode­lo si Valerie at part time actress din na nag-double kay Holly­wood actress Rachel Weiz sa pelikulang Bourne Identity na dito ginawa sa bansa.

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

BOURNE IDENTITY

CHIZ ESCUDERO

NIYANG

PARA

SHY

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with