^

PSN Showbiz

AiAi ayaw na talagang kumandidato!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Definite na ang pag-atras ni AiAi delas Alas sa 2016 elections. Originally ay kakandidato siyang congresswoman sa Batangas pero nakapag-isip si AiAi na dadamahin muna ang mga mangyayari sa election next year.

Pero hindi man siya kakandidato, magiging active naman siya dahil kasama siya sa grupong Kilos Kaayusan ni VP Binay na any moment ay magkakaroon ng launching ayon mismo sa Comedy Queen nang makatsikahan naming  kahapon ng tanghali.

At kung last year ay medyo tahimik ang komedyana, this 2015 ay marami na siyang nakahandang pasabog dahil 25th anniversary din niya sa showbiz.

Kaya naman nang dumating siya sa New Year blowout para sa ilang kaibigang press, iba ang gayak ni AiAi. Naka-red dress, naka-stockings ng black and black hells at may bonggang hair accent.

In fairness, binagayan siya ng kanyang ‘new look’! “Ano ako, back to basic ako ngayon. The best of AiAi delas Alas! ‘Yun kasi ang gusto kong mangyari sa concert ko, so nag-start na ako ngayon! Ako naman kasi ang nagpa-uso sa mga ganito so simulan uli natin sa ganyan,” sabi ng komedyana na in fairness ay walang stress ang hitsura.

Pero ang ayaw na niyang pag-usapan ay ang boyfriend niya. Pakiusap niya ‘wag nang banggitin ang tungkol sa relasyon nila.

Maganda raw ang bukas ng taon niya kaya ramdam niyang maganda ang 2015 niya.

Kasama ni AiAi sa nasabing tsikahan sa ilang entertainment press ang anak niyang si Sancho Vito delas Alas na may kontrata na sa GMA.

Originally ay sa Pinoy Big Brother (PBB) papasok si Sancho pero naudlot ito.

In a way ay sumama ang loob ng anak pero ayon kay AiAi naka-move on na sila at wala na ‘yun.

Eh ano namang masasabi ni Sancho na kesyo ‘binili’ ng kanyang ina ang boyfriend?

“Una sa lahat, hindi po binili ni Mama si Gerald (Sibayan). Niligawan ni Gerald ang nanay ko. Kumbaga, masaya naman po sila eh! Hindi namin mapipigilan ang opinion ng ibang tao.

“Sa amin na lang, tatanggapin na lang namin kung ano ang sinasabi ninyo pero kailangan kong depensahan ang Mama ko na hinuhusgahan na nila!” paliwanag ni Sancho sa ina. Pero ayaw na niyang patulan ang bashers. Minsan, may dalawa siyang sinagot pero pagkatapos nun, tinantanan na niya.

Anyway, co-manager si AiAi ng GMA Artist Center kay Sancho na pumirma ng kontrata sa Kapuso Network bago mag-Pasko.

“As of the moment po, any projects na ibibigay sa akin, pagtatrabahuhan ko ng maayos. Okay po ako na comedy at drama pero workshops po muna. I’m starting from the beginning po eh.‘Di naman po pwedeng isasabak na agad. May training po muna, and kung sa projects, hindi rin naman po agad-agad meron na. I still have to work on it,” pangako ni Sancho.

“Meron siyang potential. Unang-una, si Sancho, magaling ‘yan sa mga musical instruments. Magaling ‘yan magdrums, konting kanta, magaling sumayaw, magandang umiyak. So nung nag-decide ako na dito na siya, naisip kong siguro ‘yun ang nakatadhana para sa kanya, na dito siya mapunta sa Kapuso Network,” said the self-proclaimed mommy-ger.

“Gusto ko magpasabog din siya ngayong 2015. Gusto ko rin magkaroon siya ng sariling teleserye, guestings para naman makita nilang marunong siyang umarte dahil talagang dream niya na tulungan ako,” pahayag pa ni AiAi.

vuukle comment

AIAI

AKO

ARTIST CENTER

COMEDY QUEEN

KAPUSO NETWORK

KILOS KAAYUSAN

NAMAN

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with