^

PSN Showbiz

Christmas hangover sa Vampire ang Daddy Ko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo (January 4) sa Vampire ang Daddy Ko, may hangover pa ang mga tao sa Pasko at nalulungkot sila, lalo na sina Sonya (Pilita Corales) at Bebe (Bea Binene), na tapos na ito. Hindi naman makapaniwala si Derry (Derrick Monasterio) na ganoon sila kaapektado, at ikagagalit ito ni Bebe.

Samantala, darating sina Ding (Jose Manalo), Dong (Wally Bayola), at Dang (Gladys Guevarra), at mukhang nag-aaway sina Dong at Dang. Nagkakaselosan ang dalawa kung sino ang magiging partner ni Ding – ang kapatid o ang nobya.

Masaya naman si Vava (Glaiza de Castro) dahil malungkot ang mga tao dahil tapos na ang Pasko, at balak pa niya itong lalong paguluhin. Kukumbinsihin niyang ligawan ni Dong si Dang para kapag sila na, mauutusan niya na itong lumayo kay Ding.

Magtagumpay kaya ang plano ni Vava?

Huwag palagpasin ang Vampire ang Daddy Ko ngayong Linggo (January 4) pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA7.

 

vuukle comment

BEA BINENE

BEBE

DADDY KO

DERRICK MONASTERIO

GLADYS GUEVARRA

JOSE MANALO

NGAYONG LINGGO

ORAS WEEKEND

PASKO

PILITA CORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with