^

PSN Showbiz

Aktor hindi lumutang sa kasal ng anak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi maayos ang relasyon ng parents ng isang magandang aktres dahil sa kasal ng kapatid ng aktres, tanging ang ama niya na isang aktor ang wala. Feel na feel ang absence ng Dad ng aktres sa pictures na pinost niya sa Instagram (IG) sa kasal ng kapatid (wala ang kanyang ama).

Hindi pa sinasagot ng aktres ang tanong ng followers niya sa IG kung bakit wala ang kanyang ama sa wedding ng kanyang kapatid. Siguro naman may magandang dahilan ang aktres, ang kapatid niya at ang kanyang ina kung bakit hindi imbitado ang ama sa special day ng kanyang kapatid.

Na-interview ang aktor na ama ng aktres sa presscon ng soap na kasama siya at obvious na wala silang komunikasyon ng anak sa mga sagot nito tungkol sa buhay ng aktres ngayon.

Coco nabuyo ni Kris na ilantad ang bahay

Nakapag-live na sa Kris TV kahapon si Kris Aquino after ng bout ng allergy dahil sa pag-inom ng gamot na Ibuprofen, kung saan, allergic siya. Matutuloy kung ganu’n this Wednesday sa Kris TV ang tour niya sa bahay ni Coco Martin.

First time na mapi-feature sa TV ang bahay ni Coco dahil sa Instagram (IG) lang ng aktor, paisa-isang pino-post ang ilang parte ng kanyang bahay pati ang mga gamit sa loob na kaiinggitan sa ganda.

Nakita ng isang ka­ibigan ang labas ng ba­hay ni Coco na nasa isang subdivision sa Que­zon City at namang­ha siya sa laki ng area ng bahay. Labas pa lang ang nakita ng friend namin, siguradong mas mamamangha siya ‘pag napasok ang loob ng bahay.

Naging close sina Kris at Coco mula nang magsama sa Feng Shui at kuwento nga ni Kris, habang nasa shooting sila, lahat na ay kanilang napag-usa­pan.

Yael nagpapatay

Ang Flight 666 episode ng Shake, Rattle & Roll XV ang may pinakamaraming cast sa pangunguna nina Lovi Poe at Matteo Guidicelli. May Kim Atienza, Natalie Hart, Daniel Matsunaga, Yael Yuzon, IC Mendoza, Kiray Celis, Ria Garcia, Arlene Muhlach, at John Lapus, pero majority sa kanila ay mamamatay.

Kung paano mamamatay ang mga nabanggit na karakter ng episode, ayaw sabihin ni director Perci Intalan, panoorin na lang daw ang pelikula na entry ng Regal Entertainment sa MMFF.

First movie ito ni Yael na SR&R fan at ang request niya, patayin ang kanyang karakter para mas may impact. First movie rin ito ni Kim at sabi ni direk Perci, crucial ang role nito dahil siya ang mag-i-explain sa cast sa nangyayari sa loob ng erop­lano. Ang karakter niya ay marunong magpalipad ng eroplano, pero makakagat siya ng tiyanak.

Akting ng baguhan sa Kubot pinuri ni Direk Erik

May hawig ng konti kay Lovi Poe si Hanna Ledesma, ang pumalit sa aktres bilang ina ng anak ni Macoy (Dingdong Dantes) sa Kubot: The Aswang Chronicles 2. Sabi ni director Erik Matti, Hanna did a good job as Sonia at sa ope­ning scene pa lang ng movie, mapapanood na siya. Matagal din daw ang eksena ng dalaga kahit special role lang siya.

Talent ng Star Magic si Hanna at kasama sa cast ng Be Careful With My Heart ng ABS-CBN. First movie niya ang Kubot at wish nitong masundan pa dahil nag-enjoy siya sa shooting at marami siyang natutunan sa co-stars niya. Very grateful si Hanna na naging part siya nang nabanggit na pelikula na entry sa MMFF.

Sumali rin siya sa Binibining Pilipinas 2005, candidate number 5 daw siya at hanggang doon lang ang kuwento niya.

vuukle comment

AKTRES

ANG FLIGHT

ARLENE MUHLACH

ASWANG CHRONICLES

KUBOT

LOVI POE

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with