^

PSN Showbiz

Mga namimigay ng limos, aarestuhin na rin

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

O kayong nagbibigay ng limos sa mga humi­hingi eh ingat lang dahil hinuhuli na pala ang mga ito. Hindi lamang pala ang nanghihingi ng limos ang hinuhuli ngayon kundi maging ang nagbibigay ng limos. Minarapat gawin ito ng ating pamahalaan dahil hindi raw uunlad ang buhay ng ating mga pulubi kung patuloy nating kukunsintihin ang kawalan nila ng interes na maghanap ng ikabubuhay nila at sa halip ay iaasa na lang ito sa iba. Sa mga nagbibigay ng limos, alam n’yo na, kaya tigil-tigilan ninyo na ang pagbibigay ng limos.

Iñigo at Julia, malabong magkatuluyan

Aakalain mo ba na sa best friend pa ng ex niyang si Julian Estrada maipapareha si Julia Barretto sa kanyang unang pelikula? Sana hindi ito maging dahilan para magkaroon ng gap sa pagitan ng magkaibigan. Kung sabagay past is past. Kung anuman ang namagitan noon kina Julia at Julian ay hindi na dapat makaapekto sa gumagandang relasyon nina Julia at ng first leading man niya sa isan0g movie na si Iñigo Pascual. Wala namang kahahantungan ang closeness nila bukod sa friendship dahil taken na ang anak ni Piolo Pascual ni Sofia Andres kaya wala talagang rason na magka-problema sila.

Kahit hindi nagpa-parlor, Nora bumawi sa pormal na damit

Hindi naman porke hindi nagpa-ayos ng buhok si Nora Aunor nu’ng Se­nior Prom Reunion ay nabawasan na ang ningning niya bilang isang Superstar. Nakadamit naman siya ng pormal at bagay naman ang hairdo niya sa kasuotan niya.

vuukle comment

JULIA

JULIA BARRETTO

JULIAN ESTRADA

NORA AUNOR

PIOLO PASCUAL

PROM REUNION

SOFIA ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with