^

PSN Showbiz

Cristine nag-Japan kahit pinapa-bed rest ng kanyang doktor?!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen: Ang denial noon ni Ara Mina na buntis ang kanyang kapatid na si Cristine Reyes. Documented ang denial ni Ara Mina dahil isinulat ito ng mga reporter na nakausap niya noong September sa presscon ng Trenderas ng TV5.

Scene: Complete bed rest ang sinabi ni Cristine Reyes na payo ng kanyang doctor  na noong Linggo lang inamin ang pagbubuntis. Ebidensya ang mga social media post ni Cristine tungkol sa kanyang daily activities at Japan trip na hindi siya bed rest.

Seen: Walang publicity at limitado ang TV plug ng airing sa ABS-CBN ng The Naked Truth noong Linggo upang maiwasan ang kontrobersiya. Ang The Naked Truth ang controversial underwear and denim fashion show ng Bench.

Scene: Edited ang participation ni Coco Martin sa The Naked Truth. Inalis ang eksena na may akay-akay siya na babae na nagpanggap na aso at ikinagalit ng mga moralista.

Seen: Ang first shooting day ng advocacy film na Child House noong Linggo sa Child House, ang tahanan ng mga bata na may sakit ng iba’t ibang uri ng kanser. Mga bida sa Child House ang mga child star na sina Mona Louise Rey at Miggs Cuaderno.

Scene: Dinala kahapon sa St. Luke’s Medical Center sa The Fort si Senator Bong Revilla, Jr. para sa kanyang overnight check up na aprubado ng Sandiganbayan. Ipinagbabawal ang pagpapainterbyu ng senador sa media.

vuukle comment

ANG THE NAKED TRUTH

ARA MINA

CHILD HOUSE

COCO MARTIN

CRISTINE REYES

LINGGO

MEDICAL CENTER

MIGGS CUADERNO

NAKED TRUTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with