^

PSN Showbiz

Parang na-hack ang IG, Tyra Banks biglang naging favorite ang ilang local celebrities?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pina-follow sa Instagram (IG) ni Tyra Banks ang ilang Filipino celebrities gaya nina Anne Curtis, Marian Rivera, Lovi Poe, Jennylyn Mercado, Solenn Heussaff, Isabelle Daza, Georgina Wilson, Julia Barretto, at Bea Alonzo. Nag-comment pa si Tyra na “Georgina has what it takes.”

Ang fans ng ibang aktres, nagsa-suggest kay Tyra Banks na i-follow nito ang mga idolo nila at sinasabi nila kung gaano kasikat, kaganda, at ka-fashionista ang mga favorite nila. But last time we checked, hindi pa pina-follow ni Tyra Banks ang names suggested by their fans.

Pero tama ba ang hinala ng isang fan na baka na-hack ng isang Pinoy ang IG ni Tyra Banks dahil bakit lately, puro Pinoy celebrities ang pina-follow nito? May nag-aakala namang baka may Filipino staff si Tyra Banks at ito ang nag-follow sa mga nabanggit na Pinoy celebrities, but so far, wala pa namang balita na na-hack nga ang IG account ni Tyra Banks.

KC Montero dating contestant sa Miss World ang ipinalit kay Rhian

Nabasa namin ang comment ni Rhian Ramos na “Well...then moving on” sa pinost sa IG na picture ni KC Montero at ang bago niyang GF na si Stephanie Dods. Ang caption ni KC sa sweet picture nila ng GF ay “I love her more than pizza.”

May mga nag-react na dapat hindi na nag-comment si Rhian at ang iba, pinagkumpara sila ng GF ngayon ng ex niyang si KC. May nagtanong pa kung bakit sila nag-break ni KC? Nang muli naming bisitahin ang IG ni KC, wala na ang comment ni Rhian, hindi namin alam kung deleted na ‘yun o hindi lang namin nakita. Pero maganda naman yata ang break-up nina KC at Rhian, kaya afford ni Rhian na i-follow pa rin si KC up to now sa IG nito.

Marami ang naiinggit kay KC dahil sa bagong GF na hindi lang maganda, beauty queen pa. May mga TV guesting na rin ito gaya ng It’s Showtime at hindi nakakagulat kung mag-showbiz din.

Wala kaming masyadong alam kay Stephanie Dods, kaya nag-google kami at nalamang naging Miss Teen New Zealand siya noong 2006 at ni-represent ang New Zealand sa Miss World noong 2007. Filipina yata ang mother nito, kaya nasa bansa at isa siyang sought after commercial and ramp model dito.

Aliw ang message kay KC ng isang kaibigan, wish nitong magtagal ang relasyon nila ng GF nito ngayon dahil naghiwalay nga naman sila ni Geneva Cruz at nag-break din ni Rhian.

Regine nakakapag-‘network hopping’!

Ang una naming tanong kay Regine Tolentino sa presscon ng Bonakid Pre-School Ready Set Laban Season 2 ay kung Kapamilya, Kapatid, o Kapuso ba siya? “Ka...” lang ang sagot nito at happy daw siya to be able to work with the three networks.

Isa lang siya sa nakakapag-“network hopping” at mas masaya para sa kanya ang ganito. Kung saan may trabaho doon siya at nagpapasalamat na bukod sa Unang Hirit, mapapanood siya sa Bonakid Pre-School Ready Set Laban sa GMA 7 din.

Magpa-pilot ang season 2 ng award-winning game show sa October 5, 10:45 am., after iBilib. Si Regine ang co-host ni Drew Arellano at nagkasama na sila sa Unang Hirit. Hindi na nga nila kailangan ang script dahil tuluy-tuloy ang tsikahan nila sa presscon infront of people from Wyeth na partner ng network sa show.

Mas malaki ang scope ng show this season dahil hindi lang sa Metro Manila ang audition, nationwide na. Dadalhin ang audition sa Cebu, Davao at may onlie audition pa, bumisita sa www.gmanetwork.com/promos/readysetlaban at mag-submit ng necessary requirements.

vuukle comment

ANNE CURTIS

MISS WORLD

NAG

PINOY

RHIAN

STEPHANIE DODS

TYRA BANKS

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with