^

PSN Showbiz

Kaiser ng I Do aaming bading?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Panibagong pagsubok ang susuungin ng natitirang couples sa Kapamilya realiseryeng I Do dahil sa pagbisita ng ilan sa kanilang mga magulang sa village at sa kanilang pagharap sa isa na namang ceremony kung saan isang couple ang papauwiin.

Mula sa council na kinabibilangan nina Judy Ann Santos-Agoncillo, coach Pia, at Dr. Julian, matututunan ng couples ang papel ng kanilang kabataan at kwento ng pamilya pagdating sa pagpapatatag ng relasyon. Kaya naman ilan sa kanilang mga magulang ay bibisita sa village.

Ngunit sina Chris at Karen, may nakwentong hindi maganda tungkol sa tatay ni Karen at hindi nila alam na nakikinig pala ito. Ano ang gagawin ni Karen kapag nalaman niya ito at paano niya haharapin ang kanyang ama? Ano-anong isyu pa ang mauungkat sa paghaharap ng mga anak at kanilang partners sa kanilang mga magulang?

Samantala, nag-open up naman si Kaiser na pinaghihinalaang bading ng ibang couples sa ka­sintahan niyang si Jzazsa at nagtanong – paano kaya kung bading nga siya?

Masusubukan din ang pag-iibigan ng lahat ng couples sa ceremony ngayong weekend (Sept 20 at 21). Bukod sa automatic couple-in-trouble na sina Christian at Chelsea, may dalawa pang manganganib na mapalabas ng village. Aling couple kaya ang dapat nang magpaalam base sa desisyon ng council? 

Ang I Do ay isang orihinal na konsepto tungkol sa relasyon kung saan sinusubukan ang lahat ng couples hanggang sa matira ang couple na karapat-dapat na maging ehemplo ng isang matibay na relasyon.  Ang couple na ito ay pipiliin ng taongbayan at magwawagi at siyang mananalo ng kanilang grand wedding at iba pang premyo gaya ng P1 milyon, house and lot, at isang negosyo package.

Tutukan ang ‘journey to happy ever after’ kasama sina Judy Ann Santos-Agoncillo, Jayson Gainza, coach Pia, at Dr. Julian sa I Do, pagkatapos ng MMK tuwing Sabado at pagkatapos naman ng Rated K tuwing Linggo sa   ABS-CBN. 

 

vuukle comment

ANG I DO

ANO

BUKOD

DR. JULIAN

I DO

JAYSON GAINZA

JUDY ANN SANTOS-AGONCILLO

KANILANG

RATED K

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with