^

PSN Showbiz

Ruffa malamang na sa Paris na tumira?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mukhang may bagong ins­pi­rasyon ngayon si Ruffa Gutierrez, ang French businessman na si Jourdan Mouyal na sa Paris, France naka-base.

Sadyang pang-international talaga ang beauty ni Ruffa dahil matapos ang kanyang relasyon sa kanyang Turkish ex-husband na si Yilmaz Bektas (kung kanino siya may dalawang anak na sina Lorin at Venice).  May ilang taon na ring hiwalay sina Ruffa at Yilmaz pero ngayon lamang napapag-usapan muli ang lovelife ng kaisa-isang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama matapos hindi rin magtagal ang relasyon ni Ruffa sa actor na si John Lloyd Cruz.

Kung mauuwi sa mas seryosong relasyon sina Ruffa at Jourdan, hindi rin malayong mauwi ito sa kasalan na hindi naman magiging problema dahil annulled na ang kasal ni Ruffa sa dating mister.

Ang tanong, would Ruffa give up her showbiz career to live in Paris?  In a way, ginawa rin niya ito noon nung sila pa ni Yilmaz dahil bukod sa Amerika ay tumira rin sila sa hometown ni Yilmaz sa Istanbul.

Jewel Mische tuluyan nang nawala sa eksena

Bago ang Pinoy Big Brother (PBB) All In graduate na si Vickie Rushton, naging kasintahan din pala ng actor na si Jason Abalos ang aktres na si Jewel Mische.  But before Jason, naging GF din si Jewel ng actor na si Richard Gutierrez.

Ano na kaya ang nangyari sa career nito na hindi magtuluy-tuloy. 

Sa GMA nagsimula si Jewel hanggang sa siya’y lumipat sa Kapamilya Network. 

For a while ay naging sunud-sunod ang project ni Jewel sa bakuran ng ABS-CBN pero lately ay wala kaming nababalitaan na bagong project nito.

Samantala, masaya si Jason na ayos na naman ang kanilang relasyon ni Vickie na kanyang niregaluhan ng kotse pagkalabas nito ng PBB house.

John magpo-propose na rin kay Isabel

Timing lang din siguro ang hinihintay ng dancer-TV host-actor na si John Prats para mag-propose sa kanyang girlfriend na si Isabel Oli.

Sa pagkakaalam namin, nagbabalak na rin umanong mag-propose si John sa kanyang kasintahan   na lumipat na rin sa may village na tinitirhan ng kanyang nobyong si John.

Siyempre pa, pauunahin muna ni Camille Prats ang kanyang nakatatandang kapatid bago siya mu­ling mag-asawa.  Camille has also found a new guy sa katauhan ni John Yambao na naka-base sa Amerika.

Ian todo ang pagpapaganda ng katawan para makasabay kina Kris at Coco

Natutuwa si Ian de Leon na kasama siya sa pelikula nina Kris Aquino at Coco Martin, ang sequel ng horror movie na Feng Shui 2 under Star Cinema na pinamamahalaan ni Chito Roño.

Matagal-tagal ding nabakante si Ian sa trabaho.  Panay ang gym ngayon ng kaisa-isang anak na lalaki ng estranged couple na sina Christopher de Leon at Nora Aunor para mapanatiling trim ang kanyang katawan.

“Sana magtuluy-tuloy na,” aniya.

vuukle comment

ALL IN

AMERIKA

IAN

JEWEL MISCHE

KANYANG

RUFFA

YILMAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with