^

PSN Showbiz

Kabayan Noli De Castro, nagbabalik para manakot

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kabayan Noli De Castro, nagbabalik para manakot
Noli de Castro
STAR / File

Nagbabalik ang nag-iisang Kabayan Noli de Castro para sa isa na namang gabi na puno ng misteryo at lagim ngayong panahon ng Undas sa ABS-CBN News horror special na Kababalaghan 8: Pagkagat ng Dilim sa darating na Oktubre 31 (Sabado) sa free TV, ABS-CBN News online platforms at iWant.

Sa ika-walong edisyon, hatid muli ng Kababalaghan ang mga kwentong nakakikilabot na naganap sa iba’t ibang tahanan sa Metro Manila, na nasaksihan mismo ng mga nakatira rito at ang ilang pangitain ay nakunan pa sa kamera.

Para sa unang feature nitong Bulong, dadalhin ni Kabayan ang mga manonood sa isang lumang bahay na tinutuluyan ng isang pamilya, ilang henerasyon na rin ang nakalipas. Sa salaysay rin ng mga nabubuhay nitong miyembro, pare-parehas nilang naririnig ang mga misteryosong bulong na tila may pinahihiwatig sa kanila, habang nagpapakita rin ang mga masasamang elemento na minsa’y duguan pa.

Samantala sa kuwento nitong Upuan, bibisita ang programa sa isang bahay sa Taguig City na nakunan sa CCTV ang isang upuan na bigla na lang lumutang at initsa sa tabi. Nabanggit ng pamilyang nakatira rito na may matandang puno na nakapalibot sa kanilang bahay na pinaghihinalaang pugad ng masasamang elemento.

Tampok naman sa Bahay ni Tiya ang isang pinaglumaang bahay ng isang kaanak, na pinababantayan ngayon sa pamilya ni Mich. Mapayapa pa noong una silang nanirahan sa ground floor ng bahay. Pero nag-iba ang lahat nang tinuluyan din nila ang ikalawang palapag nito na tambak ng pinaglumaang kagamitan. Tumindi ang takot nila Mich matapos niyang i-post online ang video ng bahay at may makitang nakapangingilabot na mga imahe rito ang netizens.

Abangan ang mga katakut-takot na kuwentong ito sa Kababalaghan 8: Pagkagat ng Dilim ngayong Oktubre 31, 6:45 p.m. sa ABS-CBN News YouTube channel, at 10:30 p.m. sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

NOLI DE CASTRO

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with