^

PSN Showbiz

Billy hindi raw suspended sa Showtime…

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Itinanggi sa isang statement ni Mr. Bong Osorio, ABS-CBN Spokesperson ang isyung suspendido si Billy Crawford sa It’s Showtime matapos itong makulong nang magwala sa police station sa Taguig. Nag-overnight ito sa kulungan.

“There is no truth to reports that Billy Crawford has been suspended from It’s Showtime. Billy is taking a short break from his hosting duty following the incident last weekend,” sabi ni Mr. Osorio.

Habang namamahinga sa Showtime si Billy, tuloy naman ang shooting nito para sa pelikulang Moron 5.2.

Ang girlfriend naman niyang si Coleen Garcia na sinasabing dahilan ng pagwawala ni Billy ay nakabalik na sa programa.

Yup, si Coleen daw ang salarin. Ayaw daw kasi nitong kausapin si Billy nang lumabas sila after ng Star Magic Ball kaya nag-dialogue si Billy na magwawala siya. Eh medyo lasing daw. Kaya ayun nasobrahan ng pagpapapansin kaya ang ending, nakulong siya.

Feeling ng mga nakakaalam ng story, true love talaga ang nararamdaman ni Billy kay Coleen kaya ganun na lang ang takot nito pag hindi kinakausap ng girlfriend.

Lovi naningil daw pala ng P200K kaya nainis si Direk Erik, Rocco ayaw makisawsaw sa isyu

“She’s ok now,” sagot ni Rocco Nacino nang tanungin namin kung kumusta na ang girlfriend niyang si Lovi Poe matapos maglabas ng ‘galit’ si Direk Erik Matti nang tanggihan ng aktres ang sequel ng Aswang Chronicles. Naka-move on na raw ang girlfriend niya sa isyu sabi ni Rocco nang makausap namin kahapon sa presscon ng pelikula Ang Ibong Adarna : The Pinoy Adventure na ipalalabas na sa mga sinehan sa October 1.

Nagalit din ba siya kay Direk Erik Matti sa pinagsasabi nito sa girlfriend niya? Wala raw siya sa position na magsalita tungkol dito. At ang alam niya, maglalabas ng official statement ang kampo ni Lovi tungkol sa isyu.

Last week pumutok ang galit ni Direk Erik dahil tinanggihan nga raw ni Lovi na gawin ang pelikula kahit two shooting days lang. Ang tsismis, P200k per shooting day ang sinisingil ni Lovi kaya lalong nairita ang director

Anyway, going back to Ang Ibong Adarna, personal choice si Rocco ni Direk Jun Urbano na gumanap na Prinsipe Sigasig na magtatangkang hanapin ang mahiwagang ibong Adarna para sa kanyang amang may sakit na si Sultan Mabait (Joel Torre). Pinaniniwalaang gumagaling ang sinumang makarinig ng awit ng Adarna.

Walang batang nakakaalis sa elementary noon, nang hindi alam ang kuwento ng Ibong Adarna. Ginamitan ng computer graphic images o CGI ang pelikula. Ayon kay Direk Jun, naging mabigat ang pagsubok sa kum­plikadong proseso sa paggawa ng CGI. “Umabot kami ng halos kalahating taon para makumpleto ang animated Haribon, ang higante at ang nuno sa punso,” sabi ng beteranong director at kilalang si Mr. Shooli sa mga character sa pelikula.

Ang Ibong Adarna, na isang korido na isinulat noong panahon ng mga Kastila ay binigyan ng mas Pinoy na interpretasyon sa pelikulang ito na palabas na sa October 1.

Bangs nakaalalay kay Phil Younghusband nang dalhin sa hospital

Ano kayang nangyari kay Phil Younghusband at naka-wheelchair siya nang makita ko sa St. Luke’s Bonifacio?

Itinutulak siya ng isang hospital staff. Pero mukha namang ok siya dahil nakikipagtsikahan pa siya sa nagtutulak ng wheelchair na sinasakyan niya.

At guess who ang kasama niya that night? Si Bangs Garcia na nababalitang girlfriend niya though sinabi ni Phil sa isang previous interview na “We’re not a couple. We’re hanging out.” Nakasunod sa wheelchair ni Phil ang sexy actress.

Actually, parang medyo ilang pa si Bangs na kasama si Phil, pero ang football player, parang comfortable naman.

Hindi ito ang first time na spotted ang dalawa na magkasama. In fact, sa Star Magic Ball daw ay sinundo pa ng atleta ang sexy actress.

Sa area lang ng Bonifacio Global City nakabili ng condo si Phil noong sila pa ni Angel Locsin kaya sa lugar na ‘yun madalas siyang makitang kasama si Bangs.          

vuukle comment

ANG IBONG ADARNA

BILLY

BILLY CRAWFORD

DIREK ERIK

DIREK ERIK MATTI

LOVI

NANG

PHIL YOUNGHUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with