^

PSN Showbiz

Supporters nina Sen. Bong at Sen. Jinggoy masusubukan sa paglipat nila sa kulungan

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Kung sabagay, ‘di pa naman napapatunayang may kasalanan sina Senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada kaya ‘di pa nila nararamdaman ang hirap ng ma­ging isang tunay na bilanggo.  Marami pa silang bisita at pagkaing tinatanggap. Sana, sakali mang magbago ang panahon at tuluyang silang mapiit, huwag sanang magbago ang pakikitungo sa kanila maski na at lalo na nung mga hindi nila kapamilya at supporters lamang. Dun sila  kakailanganin nang husto ng dalawang aktor na minarapat magsilbi sa bayan at pagkatapos ay sa piitan lamang pala hahantong. Samahan natin ang dalawa hanggang sa huli.

Ex-wife ni Derek mukhang pera?!

Hindi naman pala tinatalikuran ni Derek Ramsay ang obligasyon niya sa kanyang anak, so ano ang i­nirereklamo ng dating asawa niya? Totoo ba na gusto niyang gawing palabiga­san ang aktor?

Huwag naman, ku­nin mo lang ang ina­akala mong karapatan mo, para hindi ka masabihang mukhang pe­ra. Ipagpasalamat mo na hindi tinatalikdan ni Derek ang obligasyon niya sa anak niyo. ‘Yun naman ang pinakamahalaga, ‘di ba?

Batang talents ng Kapuso may ibubuga talaga

Ang galing naman ng mga Kapuso artist na sina Barbie Forteza at Miggs Cuaderno. Pareho silang Best Supporting Performers sa katatapos na Cinemalaya filmfest. Ang babata pa nila, award-winning actors na sila. Si Barbie, kahit inaapi-api sa The Half Sisters, lumalaban pala sa aktingan at si Miggs, dala-dalawa pa ang entry, ‘di ba ang galing nila?

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

BEST SUPPORTING PERFORMERS

DEREK

DEREK RAMSAY

HALF SISTERS

JINGGOY ESTRADA

KAPUSO

MIGGS CUADERNO

SENADOR BONG REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with