^

PSN Showbiz

Mommy D may dyowa!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin ng ina ni eight-division boxing champion Manny Pacquiao na mayroon siyang kasintahan.

Ikinuwento ni Mommy Dionisia sa “Bandila” ng ABS-CBN kagabi ang kanyang pakikipagrelasyon sa 40-anyos na si “Michael.”

“Mabait siya tignan. Pinansin ko siya agad,” sabi ni Mommy D tungkol sa kanyang boyfriend na hiniling na huwag isapubliko ang buong pangalan.

Nagsimula ang usap-usapan sa boyfriend ni Mommy D matapos itong ihayag ng Saranggani representative nitong nakaraang linggo.

Sinabi ng ina ng world class boxer na dinadahan-dahan niya ang kanyang nararamdaman kay Michael dahil ayaw niyang labis na masaktan.

“Pinakamasakit yung pagtaksilan ka. Nadaanan ko na sa tatay nila. Napakasakit talaga. Muntik ako magpakamatay sa una.”

Hiwalay si Dionisia sa kanyang asawa na nagbunga ng dalawan anak, habang may apat siyang anak kay Rosali Pacquiao, ama ni Manny, na kasama niya na ng 20 taon.

“Magtira ka ng para sa iyong katawan. Para sa utak mo, para sa katawan mo, magtira ka. Hindi mo ibuhos sa lalaki. Hindi mo ibuhos sa boyfriend-boyfriend.”

vuukle comment

BANDILA

DIONISIA

HIWALAY

IKINUWENTO

INAMIN

MABAIT

MOMMY D

MOMMY DIONISIA

ROSALI PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with