^

PSN Showbiz

Legal wife nagbubulag-bulagan asawa ng aktres bunyagan na ang relasyon sa sexy star

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Lantaran na ang pakikipagrelasyon ng isang sexy star sa mhin na asawa ng aktres na nagpapanggap na walang alam sa pagtataksil ng kanyang mister.

Madalas na nakikita na magkasama ang sexy star na member ng isang grupo at ang boyfriend niya na may asawa at anak.

Makapal ang face ng sexy star na dedma  sa mga sinasabi ng mga tao dahil mas mahalaga sa kanya na happy siya.

Nagbubulag-bula­gan naman ang the legal wife ng mhin. Open book sa publiko ang buhay ng legal wife dahil nagsimula ang kanyang career bilang child actress.

Ex-girlfriend ng isang dancer/actor ang sexy star na dating member ng grupo  at other woman nga­yon ng mister ng aktres.

Katya, Maui, at Sheree mga seksi pa rin

Nag-perform kahapon sa Sunday All Stars ang Viva Hotbabes.   

Throwback Sunday ang nangyari dahil muling nasilayan sa TV sina Maui Taylor, Katya Santos, at Sheree na mga nanay na ngayon.

Walang ipinagbago ang tatlo dahil mga seksi pa rin sila, sa kabila ng pagkakaroon ng mga anak.

Hiwalay si Sheree sa kanyang live-in  partner na si Gian Magdangal at walang koneksyon sa showbiz ang mga karelasyon nina Katya at Maui.             

Eugene hindi nauwi ang best actress galing Madrid

Hindi nag-win si Eugene Domingo sa Madrid International Film Festival pero hindi uuwi na luhaan ang grupo nila ni Jun Lana dahil ito ang pinagkalooban ng best director award para sa kategorya ng Best Director of a Foreign Language Film. Nag-win si Jun dahil sa direksyon niya sa Mga Kuwentong Barbero na may English title na The Barber’s Tales.

Hindi bitter si Eugene dahil nauna na siya na manalo ng best actress award para sa Mga Kuwentong Barbero sa 26th Tokyo International Film Festival noong October 2013.

May plano ang mga producer ng Mga Kuwentong Barbero na ipalabas ito sa commercial theaters sa August 13.

Dahil sa mga award na natatanggap ng pelikula, interesadung-interesado ang moviegoers na mapanood ang award-winning movie nina Eugene at Jun.

Miss World tumatanggap ng applicants

Tumatanggap na ng applicants ang Miss World Philippines 2014 na balik-GMA 7.

Maraming mga kababaihan ang gustong sumali sa Miss World Philippines dahil sa pag-asa na sila ang susunod sa mga yapak ni Megan Young, ang Miss World 2013.

Ang GMA 7 ang official media partner ng Miss World Philippines 2014. Sa August 29 ang tentative date ng coronation night ng Miss World Philippines 2014 sa Solaire Resort & Casino.

Siyempre, si Megan ang personal na magsasalin ng kanyang Miss World Philippines crown sa susunod na winner na siguradong may pressure na i-duplicate ang tagumpay ng beauty queen/actress.    

Mikael hindi na kailangan aminin ang relasyon nila ni Megan, alam na ng lahat

Hindi pa nakakalimutan ng mga Pinoy ang pralala ni Mikael Daez na may big announcement sila ni Megan kapag natapos na ang reign nito bilang Miss World.

Hindi na kailangan ni Mikael na aminin na may relasyon sila ni Megan dahil lumang isyu na ito.

Kung ang pag-amin na may relasyon sila  ni Megan ang big announcement ni Mikael, tiyak na magmimintis dahil alam ng lahat ang tungkol sa kanilang pilit na inililihim na love affair.                             

Pagiging umano’y battered wife ni Claudine sinusubaybayan pa rin

Hindi pa naglalabas ng bagong update si Claudine Barretto tungkol sa pagiging battered wife niya.

Kahit may mga ayaw maniwala sa ipinagtapat ni Claudine, sinusubaybayan pa rin ng mga mahihilig sa showbiz gossip ang never-ending feud nila ni Raymart Santiago. Waiting ang mga tsismosa at tsismoso sa mga susunod na controversial statement ni Claudine.

 

vuukle comment

CLAUDINE

DAHIL

MEGAN

MGA KUWENTONG BARBERO

MISS WORLD

MISS WORLD PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with