^

PSN Showbiz

Alessandra galit kay Heart, relasyon nila ni Sid ibinuko

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ini-reveal ni Paolo Contis sa Sarap Diva sa Sabado ng umaga kung paano niya nagagampanan ang kanyang responsibilidad bilang ama sa dalawang anak nila ni Lian Paz na sina Xonia at Xalene.

Medyo okay naman sila ngayon ni Lian, pero hindi nga raw niya madalas na nakikita ang kanyang mga anak.

Masaya ang tsikahan nila ni Regine Veleasquez sa Sarap Diva kasama si Pekto na naghanda ng kakaibang ulam na sinira ni Inday Teri.

PAK: Totoo kayang nagtampo si Alessandra de Rossi kay Heart Evangelista dahil sa ibinuking ng huli na sila na ni Sid Lucero?

Binanggit kasi ni Heart sa Startalk nung nakaraang Sabado na dapat umamin na rin daw sina Sid at Alex.

Kaya nung gusto naming interbyuhin si Alessandra tungkol dito, tumanggi ito. Si Heart na lang daw ang magsalita, tutal siya naman daw ang nag-reveal nito sa Startalk. “Siya na ang mag-tell all. Ayoko na talaga magsalita,” pakli ni Alessandra.

Pero pagdating sa programa niyang Basta Everyday Happy, obvious na si Heart ang pinaparinggan sa sinabi niyang kapag kaibigan at ipinagkatiwala ang isang sikreto, dapat na tuparin mo ‘yun at huwag nang idaldal.

Pero tumanggi ito. sabi niya, ang tinutukoy daw niya ay kuwento ng Ang Dalawang Mrs. Real.

BOOM: Magsusumite ng Motion for Reconsideration ang abogado ni Katrina Halili tungkol sa mabilis daw na desisyon sa pagbalik ng medical license ni Dr. Hayden Kho.

Nagtataka lang daw kasi sila dahil dapat ay dalawang taon daw ang waiting period pagkatapos itong isinumite sa Court of Appeals.

Bukod pa diyan, wala raw fact-finding investigation, bakit may desisyon na agad.

Sa susunod na linggo ay darating si Dr. Hayden kasama si Dra. Vicki Belo mula sa London na kung saan nag-aral si Hayden ng Thelogy na may kaugnayan sa pagiging Christian nito.

vuukle comment

ALESSANDRA

BASTA EVERYDAY HAPPY

COURT OF APPEALS

DAW

DR. HAYDEN

DR. HAYDEN KHO

HEART EVANGELISTA

INDAY TERI

KATRINA HALILI

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with