^

PSN Showbiz

Nanay ni Sarah mali ang intindi kay Annabelle

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Lalong lumalakas ang Koreanovelang My Love from the Star na malapit na palang matapos.

Kahit sa rewind nito na ipinalalabas tuwing Linggo ng umaga bago mag-Sunday All Stars, mataas pa rin ang rating nito.

Kaya lang malapit nang matapos at ang ipapalit ay ang original family drama ng GMA 7 na My BFF na pagbibidahan ng mga Kapuso child wonders na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey.

Malaking pressure sa kanila ito dahil kailangan ma-maintain ang mataas na rating sa time slot na iyon bago mag-24 Oras Weekend.

Sa June 30 na ito magsisimula, kaya puspusan na ang promo nila kasama ang iba pang cast na sina Manilyn Reynes at Janno Gibbs.

PAK: Nag-post si Sa­rah Lahbati sa kanyang Instagram account ng litratong kuha sa party ni Baby Zion kasama si Richard Gutierrez at si Mommy Esther Lahbati.

May isang follower siyang nag-post din ng mahabang komento sa kanyang IG account na nagsasabing panindigan ang pagiging ina kay Baby Zion.

Nakakaloka lang ang isang sinabi niyang; “I cringe at the pic of Annabelle carrying Zion during his birthday while hoards of photogs are taking their pic. Felt like ‘eto apo ko available na for commercials para kumita ako!”

Hindi nakatiis si Ruffa, sinagot niya itong follower ng, “Who are you?  You don’t know anything so don’t give advice. If photos make you cringe then don’t look!”

BOOM: Pinuri naman si Richard Gutierrez sa napa­kaayos na sagot tungkol sa isyu ng hinanaing ng ina ni Sarah.

Sa presscon ng pelikula niyang Overtime ng GMA Films, hirap na hirap si Richard na sagutin ang isyung iyon, pero sinabi lang niya na aayusin nila ito internally.

Sinundan ng post ni Sarah na mahal niya ang kanyang ina at hindi niya papayagan na ganun ang mangyari sa kanyang ina. Aayusin din daw nila ito sa pamilya at hindi na sa publiko.

Kaya lang hindi na maganda ang reaksyon ng karamihan sa pag-post ni Mommy Esther Lahbati ng hinanakit niya sa nakaraang party.

Lalo na ‘yung hinaing niyang ipinagbalot siya ng natirang ulam, hindi lang naman daw siya ang sinabihan ni Tita Annabelle kundi pati ang ibang mga bisita lalo na ang reporters na nandun.

Sa rami raw ng pagkain, nanghinayang si Tita Annabelle sa mga natira, kaya ipinabalot na niya sa ibang bisita na hindi masama ang dating sa kanila, at hindi nakaka-offend dahil kilala na nila si Tita Annabelle.

Nasa kultura na natin sa showbiz na ipinababalot sa mga bisita kapag may natitirang pagkain. Kung nasa showbiz ka, hindi mo ikasasama ng loob kung ipinagbabalot ka ng pagkain.

vuukle comment

BABY ZION

ESTHER LAHBATI

JANNO GIBBS

JILLIAN WARD

KAYA

RICHARD GUTIERREZ

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with