^

PSN Showbiz

Ending ng The Legal Wife nanguna

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinutukan at pinag-usapan ng buong bayan ang pagtatapos ng patok na family drama series ng ABS-CBN na The Legal Wife na pinagbidahan nina Angel Locsin, Jericho Rosales, Maja Salvador, at JC De Vera. Base sa datos mula sa Kantar Media, nanguna sa listahan ng pinakapinanood na programa sa bansa noong Biyernes (Hunyo 13) ang ‘The End of an Affair’ finale episode taglay ang all-time high national TV rating nito na 36.2% o mas mataas ng 27 puntos kaysa sa katapat nitong Ang Dalawang Mrs. Real (8.8%). Maituturing na record-breaking ang ratings na nakamit ng The Legal Wife para sa 9:15 PM time slot nito. Nag-trend din nationwide at worldwide sa microblogging site na Twitter ang iba’t ibang hashtags na may kaugnayan sa opinyon ng netizens sa pagtatapos ng magkaka-ugnay na love stories nina Monica (Angel), Adrian (Jericho), Nicole (Maja) at Max (JC).

Nagwakas ang serye na pinili ng mga bidang karakter na magpatawad, mag-move on, at magsimulang muli.

Sa ilalim ng direksyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao, tampok rin sa The Legal Wife ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa bansa kabilang sina  Christopher de Leon, Rio Locsin, Mark Gil, Maria Isabel Lopez, Joem Bascon, Ahron Villena, Janus del Prado, at Matet de Leon.

 

vuukle comment

AHRON VILLENA

ANGEL LOCSIN

DADO LUMIBAO

DE VERA

JERICHO ROSALES

JOEM BASCON

KANTAR MEDIA

LEGAL WIFE

MAJA SALVADOR

MARIA ISABEL LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with