^

PSN Showbiz

Hayden mag-aaral sa Oxford para maging banal

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang mommy ng nag-iisang Kambal Sirena ang introduction sa sarili ng nanay ni Louise delos Reyes sa meeting ng mga manager at handler ng mga artista ng GMA 7.

SCENE:  Si Piolo Pascual ang special guest sa Maj, the Legal Performer, ang first major concert ni Maja Salvador sa Music Museum sa July 12. 

SEEN: Muling nagkamali ang production staff  ng Sunday All Stars sa pagpapasayaw nila kahapon sa dance choreographer na si Geleen Eugenio.

Nagmukhang back up dancers ni Geleen sina Jean Garcia at Carmi Martin sa kanilang  dance number.

Throwback na throwback.

SCENE: Anim na linggo na mawawala sa Pilipinas si Hayden Kho, Jr. dahil mag-aaral siya ng  Christian Apologetics  sa University of Oxford.

Field  ng Christian theology ang Christian Apologetics na  layunin na ituro ang rational basis ng Christian faith at ipagtanggol ito sa lahat ng mga kontra.

SEEN: Ang exclusive interview kahapon ni Kris Aquino sa mag-inang Annabelle Rama at Richard Gutierrez sa The Buzz. Kabilang si Kris sa mga ninang sa binyag ni Zion sa June 15.

SCENE:  Pareho ng punto ang pagsasalita nina Barbie Forteza at Thea Tolentino dahil magkababayan sila.

Mula sa Calamba si Thea at lumaki naman si Barbie sa Biñan. Sina Barbie at Thea ang mga bida sa The Half Sisters na mapapanood ngayong hapon sa GMA 7.

SEEN: Ang audition kahapon  ng mga aspiring contestant para sa second season ng The Voice Philippines na ginanap sa Market! Market! Mall sa Taguig City.

SCENE: Pormal na ipakikilala ngayon ang official candidates ng Miss Manila 2014, ang joint project ng City of Manila at Mare Foundation Inc. ni former First Lady Dra. Luisa Ejercito.

Nagsimula noong 1908 ang Search for Miss Manila na kilala sa dating tawag na Miss Carnival Queen ng Manila Carnival.

 

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BARBIE FORTEZA

CARMI MARTIN

CHRISTIAN APOLOGETICS

CITY OF MANILA

GELEEN EUGENIO

HALF SISTERS

MISS MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with