^

PSN Showbiz

Gina ayaw pakasalan ni Edwin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaayos na nga ang magkapatid na Esperanza at Gina na ikatutuwa ni Alice sa pagpapatuloy ng kuwento ng Innamorata na pinagbibidahan ni Max Collins. Da­dal­hin naman ni Esper ang kanyang ina at kapatid sa mansyon dahil ito ang gusto ni Gina. Isang gabi, makikita ni Esperanza na umiiyak si Gina. Aaluin niya ito at kakausapin ngunit hihilingin ni Gina kay Esper na ipaubaya na lang si Edwin sa kanya tutal mamamatay na naman siya. Gusto lang tuparin ni Gina ang pangarap niyang magkaroon ng asawa at pamilya bago man lang siya mawala sa mundo. Ikagugulat ni Esper ang hiling ni Gina. Mapapaisip siya.

 Magkikita sina Edwin (Luis Alandy) at Esper para ibalik ng binata ang wedding gown na naiwan ni Esper sa bahay nina Edwin. Hindi na tatanggapin ni Esper ang wedding gown dahil hindi na siya magpapakasal kay Edwin. Hihilingin pa nito na si Gina na lang ang pakasalan. Magugulat si Edwin. Hindi niya pwedeng pakasalan si Gina dahil hindi naman niya ito mahal. Masasambit ni Esper ang sakit ni Gina at aasa siyang pagbibigyan siya ni Edwin. 

Hindi rin makapaniwala si Alice sa naging desis­yon ni Esper kaya kakausapin niya si Gina kung totoong maysakit ito o nagsisinungaling na naman para mapaghiwalay sina Edwin at Esper at makuha niya ang binata. Ngunit papalag si Gina sa bintang ng ina.

May katotohanan kaya ang hinala ni Alice kay Gina?

 

vuukle comment

AALUIN

EDWIN

ESPER

ESPERANZA

GINA

HIHILINGIN

IKAGUGULAT

LUIS ALANDY

MAX COLLINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with