^

PSN Showbiz

Toni gulat na gulat nang maging housemate si Alex

KC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Pinoy Big Brother, pinakilala na ang bagong opisyal na 18 housemates nito kabilang na ang host na si Alex Gonzaga noong Linggo (Abril 27) sa tatlong magkakaibang ABS-CBN shows upang simulan ang bagong season.

Inilantad si Alex bilang housemate sa grand kickoff ng programa bilang ang Sassy Sister ng Rizal, ang pinakamalaking pasabog na talagang ikinagulat hindi lang ng taong-bayan kundi pati ang kanyang kapatid at kapwa host na si Toni Gonzaga. Ani Kuya, pinapasok niya si Alex sa kanyang bahay nang sa gayun ay mas mailahad niya nang maayos ang kwento at pinagdadaanan ng housemates bilang host.

Nagsimulang ipakilala ng PBB All In ang Jock-Next-Door ng Taguig na si Axel Torres at ang Rising Celebriteen ng Quezon City, ang teen actress na si Jane Oineza sa ASAP 19. 

Nagpaalam naman sa outside world sa pamamagitan ng Buzz ng Bayan ang Biba Rakitera ng Valenzuela na si Cess Visitacion na dati nang nagbenta ng pirated DVDs at nag-extra sa mga teleserye at commercial; ang Simpatikong Salesman ng CamSur na si Chevin Cecilio na ngayo’y sinusubok ang swerte sa real estate sales para makatulong sa pamilya; at ang 15 anyos na si Nichole Baranda, ang Sweet Revelation ng Makati, na sumali ng PBB para mahanap ang kanyang sarili at para na rin sa kanyang ina na si Phoemela Baranda.

Sunod na ipinakilala sa grand kickoff ang Dancing Bombshell ng Boracay na si Aina Solano na nag-aaral na maging guro ng mermaid swimming, habang isang certified nurse naman ang relihiyosong si Jayme Jalandoni, ang 23 taong  gulang na Devoted Daughter ng Las Pinas.

Pareho namang 16 years old sina Joshua Garcia, ang Tatay’s Boy ng Batangas, na huminto sa pag-aaral dahil sa hirap sa buhay, at Manolo Pedrosa, ang Wonder Son ng Quezon City, na hindi pa nagkakaroon ng girlfriend kahit na certified heartthrob ito sa mga kababaihan sa iba’t ibang eskwelahan.

Nasulyapan din ang Singing Sunshine ng Davao na si Maris Rascal, isang teenager na mahilig sa musika at marunong tumugtog ng piano, ukulele, at gitara, pati na ang Maginoong Marino ng Quezon na si Ranty Portento, isang seaman at ang pinakamatandang housemate ng season sa edad na 26.

Kabilang din sa celebrity housemates ang volleyball superstar na si Michelle Gumabao, ang Spunky Spiker ng Quezon City, na anak din ng dating actor-politician at ngayo’y pastor nang si Dennis Roldan.

Ipinakilala rin ang kambal na sina Fourth at Fifth Pagotan, ang Brad Bait at Brad Kulit ng Pasay na pinasok ang PBB house bilang individual housemates na maaaring ma-nominate at mapaalis ng Bahay na magkahiwalay. Isang chef sa isang five-star luxury hotel si Fourth, samantalang negosyanteng may-ari ng hamburger stall si Fifth.

Nariyan din ang theater actor na si Jacob Benedicto, ang Cutie Crooner ng Parañaque; ang freelance model at Mutya ng Pilipinas International 2011 na si Vickie Rushton, ang Lady Mahinhin ng Bacolod; at ang 15 anyos na estud­yanteng si Loisa Andalio, ang Talented Darling ng Paranaque, isang miyembro ng grupong 3G na nagpe-perform sa mga mall show at fiesta.

Pinangunahan ng hosts na sina Toni, Bianca Gonzalez, John Prats, Robi Domingo, at Alex ang kickoff kung saan present ang dating housemates na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, Ejay Falcon, Jason Gainza, Nene Tamayo, Jason Francisco, Ryan Bang, Keanna Reeves, Yayo Aguila, James Reid, Gaby Dela Merced, Beauty Gonzalez, Myrtle Sarrosa, at Yves Flores.

 

vuukle comment

AINA SOLANO

ALEX

ALEX GONZAGA

ALL IN

ANI KUYA

AXEL TORRES

BEAUTY GONZALEZ

BIANCA GONZALEZ

BIBA RAKITERA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with