^

PSN Showbiz

Kris halatang enjoy sa mga sariling ‘antics’

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang bilis talagang mag-change ng mga paha­yag ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Ilang linggo pa lamang ang nakararaan nang aminin niya on national television sa programa nila ni Boy Abunda, ang Aquino and Abunda Tonight na nagdi-date sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista at `work in progress’ umano ang kanilang relasyon, ngayon ay iba na naman ang binibitawan niyang mga pahayag tungkol sa kanilang da­lawa.

In fairness sa alkalde ng Quezon City, never itong nagsalita ng anuman na may kinalaman sa kanila ni Kris, either umiiwas siya sa mga tanong na may kinalaman sa presidential sister o di kaya ay idinadaan niya sa biro o ngiti ang kanyang mga sagot.  Bilang isang public servant, maingat din si Mayor Bistek sa kanyang mga moves lalupa’t nababahiran ng kulay-pulitika anumang merong namumuong pagkakaibigan meron sila ni Kris.

Matuwa o mainis man tayo sa mga `antics’ ni Kris, nanatili siyang newsmaker at patu­loy na inaabangan ng publiko ang kanyang mga pahayag at posts sa kanyang Instagram account na for sure, nag-i-enjoy din naman si Kris sa mga pinaggagawa niya.

Dating rebel beauty umaming nagpapabayad tuwing sasama sa mayayamang kliyente

Isa si Kuhdet Honasan sa mga nakila­lang `rebel beauties’ noon at kabilang sa all-female group na Baywalk Bodies. Ang dating sexy actress ay nakapag-asawa ng isang Arabo at may isang anak and she’s now into selling condominium units. Sa isang panayam sa kanya, inamin ni Kuhdet na dumaan siya sa pagiging “PR Girl” pero hindi naman umano siya naging `escort service girl’ tulad nang ginagawa ng iba.

Ang `PR Girl’ ay pasama-sama lamang umano sa kanilang mayayamang kli­yente sa ilang lakaran at sila’y may bayad. Pero kapag beyond PR na ang gi­nagawa, ito umano ang tinatawag na `escort service’ but for a higher pay. Mga kila­lang businessmen at pulitiko umano ang madalas na nagi­ging kliyente.

Samantala, nakagawa rin ng ilang sexy mo­vies si Kuhdet noon tulad ng Tukso, Lollipos and Roses, Takaw-Tikim, at Maharot.

Vhong sumumpang magiging tapat na forever sa GF

Sobrang na-test ang tunay na pagmamahal at pagka-martir ni Tanya Bautista sa kanyang nobyong si Vhong Navarro dahil sa mga pinagdaanan nitong trau­ma. Kung naiba-ibang babae lamang si Tanya ay matagal na nitong tinalikuran at iniwan si Vhong. Pero sa kabila nang mga pangyayari, nanatili siyang matatag at patuloy na nagbigay ng kanyang suporta sa dancer-actor-TV host kaya naman nangako si Vhong na hindi na uli siya mag­loloko at magiging tapat na siya.

Kung hahantong man sa kasal ang relasyong Vhong at Tanya ay walang magiging problema dahil matagal nang annulled ang kasal ni Vhong sa kanyang ex-wife actress na si Bianca Lapus kung kanino siya may isang teen-age son na si Yce.

vuukle comment

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BAYWALK BODIES

BIANCA LAPUS

BOY ABUNDA

KANYANG

KRIS AQUINO

SHY

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with