^

PSN Showbiz

Kris may pinagsisihan sa kanila ni James

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsisisi ang TV host/actress na si Kris Aquino sa kaguluhang pinagdaanan nila ng dating asawa at basketbolistang si James Yap.

Sa ABS-CBN late night show na “Aquino and Abunda Tonight” na umere kagabi, sinabi ni Kris na sana dati pa niya pinatawad si James nang magkagusot sa kanilang relasyon na nauwi sa hiwalayan.

“There's a lot of regret, that's the truth. Maraming panghihinayang. Nagsisisi ako na noong dapat nagpatawad ako, sana nagpatawad ako. But it is what it is and we have moved on,” wika ng Queen of All Media.

Kaugnay na balita: Kris pinatawad na si James

Sinabi ito ni Kris matapos magpakita ng video kung saan naging emosyonal siya sa pakikipag-usap kay James sa birthday celebration ng kanilang anak na si Bimby.

 â€œI'm very sorry James sa lahat ng heartache na ibinigay ko,” sabi ni Kris kay James.

“Sorry din, hindi man ako perfect na partner, napatawad mo pa rin ako,” tugon naman ng two-time PBA MVP.

Pinasalamatan din ni Kris si James sa hindi pagbitaw sa responsibilidad kahit na inilayo niya si Bimby.

 â€œI want to say thank you to you dahil hindi ka rin naman sumuko. Ang ibang mga lalaki, puwedeng-puwedeng sumuko na at sabihing, 'Bahala na kayo sa buhay niyo dahil ayoko na ng gulo.' Pero hindi ka rin bumitaw, kaya nagpapasalamat ako sa'yo,” sabi pa ni Kris sa video.

Matapos ipalabas ang naturang video ay nagbigay ng payo si Kris sa mga mag-asawa at sinabing huwag makikipag-away sa harap ng kanilang mga anak.

 â€œIt's a lesson sana for all the parents out there watching us now, if it doesn't work out for both of you, be the bigger person, don't fight in front of the child because James and I are paying the price right now,” payo ng TV host.

Tuluyang na-annul ang kasal nina Kris at James noong 2012 kung saan dumating sa puntong humingi ng protection order ang Queen of all media laban sa two-time PBA MVP.

Sa ngayon ay si Quezon City Mayor Herbert Bautista na ang boyfriend ni Kris, habang ang Italyanang si Michaela Cazzola naman ang karelasyon ni James.

vuukle comment

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BIMBY

JAMES

JAMES AND I

JAMES YAP

KRIS

KRIS AQUINO

MICHAELA CAZZOLA

NAGSISISI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with