^

PSN Showbiz

Anne under observation, Dyesebel nadikya

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Habang isinasara ang pahinang ito ay under observation pa rin si Anne Curtis matapos madikitan ng dikya/salabay habang nasa taping ng Dyesebel. Namantal din daw ang buo nitong katawan at kinaila­ngan itong ilipat ng hospital, mula sa Batangas pa­punta sa St. Luke’s Global.

Bukod sa pantal, nanakit din daw ang katawan nito.

Bago siya nabiktima ng je­llyfish, excited na nag-tweet si Anne na balik-beach siya.

Kasalukuyan pa siyang nasa hospital at inoobserbahan.

Sa kanyang tweet, nagpapasalamat siya sa mga get well messages dahil nga maraming nag-alala sa nangyari sa kanya.

“Morning everyone. Just read all your ‘Get well soon’ messages. Last night was my first time to be stung by a jellyfish, a box jellyfish

“Currently in St. Luke’s so they can monitor my j­ellyfish sting/rash & most importantly the rhythm of my heart...

“Been reading up on the box jellyfish and I’m lucky it wasn’t fatal. This summer be careful when s­wimming in the ocean keep and eye out.

“I can now sincerely say, lahat ng puyat, pawis, dugo, at jellyfish bites makes it all worth it, dahil sa supporta binibigay nyo sa Dyesebel,” sabi niya sa kanyang Twitter account.

Base sa datos mula sa Kantar Media, nanguna sa listahan ng most watched TV shows sa bansa ang Dyesebel taglay ang national TV rating na 32.8% na halos kalahati ang lamang sa katapat na programa kaya naman masasabing sulit nga ang mga ginagawa  niya kahit nadikya pa siya.

DNP nagdagdag ng mga sinehan

Bongga, nagdagdag na pala ng mga sinehan ang ibang mga mall para ma-accommodate ang manonood ng pelikulang Diary ng Panget.

Yup, as in nilalagnat ang buong bansa sa blockbuster teen romance-comedy ng taon,  ng Viva Films, na inaasahang tatabo ng P200 million o higit pa sa takilya. 

Kaya ngayon, sa mahigit 100 sinehan na raw ito palabas sa buong bansa.

Bukod sa mga dagdag na sinehan, tuloy ang pagte-trending nito sa social media lalo na sa T­witter as in hindi natinag ang pangalan ni James Reid at ang Panget.

Bukod sa kuwento at mga bidang sina Nadine Lustre, James Reid, Andre Paras, and Yassi Pressman, pati musical scoring, patok at swak sa panlasa ng audience. Bagay na bagay ang mga kantang ginamit mula sa original soundtrack, tulad na lamang ng No Erase duet nina James at Nadine at Paliguy-Ligoy, na solo naman ng huli.

Ang Diary ng Panget, na isinulat ni Denny, a.k.a. HaveYouSeenThisGirl, ay unang naging hit sa online literature web page na Wattpad.com, kung saan nag-post ito ng 12 million reads. Isinalin ito sa apat na volume na libro at naging bestseller din sa local bookstores ng kung ilang linggo.

De kalibreng direktor at writer may pa-summer workshop

Mga de kalibre sa industriya ng pelikula at television ang mangunguna sa Summer Workshop ng St. Joseph’s College of QC, sa E. Rodriguez beside St. Luke’s Hospital -  si Gina Alajar - TV & film ac­ting, Roy Iglesias – screenwriting; Gilda Olvidado – writing the novel at  lvert Banares – creative photography.

Sampung Sabado tatagal ang Summer Workshop na mag-uumpisa na sa March 5.

Para sa mga iba pang detalye, tumawag sa 7215051 or 0927-7007591.

Kaya sa mga nangangarap magka-career sa pagsusulat, pag-aartista at photography, mag-join na.

Sa ngayon parang nagkaka-ubusan ng magagaling na writer dahil kung mapapansin ninyo, halos may pagkakahalintulad ang ibang mga palabas sa TV so magandang simula ang pagwo-workshop sa magagaling.                     

ANDRE PARAS

BUKOD

DYESEBEL

JAMES REID

PANGET

ST. LUKE

SUMMER WORKSHOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with