^

PSN Showbiz

Aktor idiniretso sa IG ang pagka-dismaya sa paghihintay sa lead actress

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagtampo raw ang lead actress ng isang soap sa leading man niya dahil sa post ng aktor sa Ins­tagram (IG) na matagal siyang naghihintay sa se­cond location. Ang feeling ng aktres, lumabas sa post ng aktor na kasalanan niya ang pagkaka-de­lay ng ta­ping.

Nasa first location ang aktres at nasa second location ang aktor na matagal naghihintay at habang naghihintay ay nakapag-post sa IG.

Ang tsika, pati ang production staff ng network ay nagtampo sa aktor dahil iba ang dating sa mga nakabasa ng post nito. Kung bakit hindi nasabi sa aktor ang rason kung bakit natagalang makalipat ng location, hindi namin maintindihan. Ang dali namang tumawag o mag-text.

Mabuti na lang at stop taping muna ang aktor dahil may iba itong ginagawa and, hopefully, sa pag­re-resume niya ng taping ay nawala na ang tam­po ng aktres at production staff sa kanya para walang ilangan sa taping.

Sexy billboard ni Lovi banned sa MTRCB

Finally, matutuloy na ang storycon ng Ang Dalawang Mrs. Real this Friday at sana kumpleto na ang cast para tuluy-tuloy ang taping na magsisimula sa Monday, March 31. As of today, ang alam pa lang naming makakasama nina Maricel Soriano, Lovi Poe, at Dingdong Dantes ay si Rodjun Cruz.

Kailangang makapagsimula nang mag-taping si Direk Andoy Ranay bago ang Holy Week vacation dahil magbabakasyon ang kanyang cast sa Holy Week. Also, sa May na ang scheduled airing ng Ang Dalawang Mrs. Real.  

Si Lovi, papuntang Europe at kumpirmadong ka­sama nila ng kanyang ina at kapatid ang rumoured BF na si Rocco Nacino. Pero one week lang daw sina Lovi at Rocco sa Europe, mauuna silang babalik dahil nga may taping si Lovi.

Anyway, may nag-e-mail sa amin ng copy ng billboard ni Lovi for Belo na hindi raw naaprubahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaya hindi naitaas. Hindi makikita ang nasabing billboard hangga’t hindi binabawi ng MTRCB ang pagba-ban dito.

Shalala nadoble na ang stress

Noong una naming tanungin si Shalala sa nararamdaman sa April 2 sho­wing ng launching movie niyang Echoserang Frog, ang sagot nito’y nag-i-LBM (loose bowel movement) siya, nai-stress, at hindi siya makatulog sa nerbiyos.

Ngayong six days na lang at ipalalabas na ang kanyang pelikula, siguradong doble ang stress na nararamdaman ni Shalala, at baka hindi na natutulog. Sana, hindi na siya nag-i-LBM at baka manghina na hanggang sa April 2.

Sa Monday, March 31, ang premiere night ng Echo­serang Frog sa Fisher Mall at kung dara­ting ang mga artistang nag-guest sa movie, magi­ging star-studded ang premiere night. Imagine, may Derek Ram­say, Jaclyn Jose, JC de Vera, Dingdong A­van­zado, Angelu de Leon, Tonton Gutier­rez, Al­vin, at Angelo Patrimonio, German Mo­reno, Jo­­ross Gamboa, Anita Linda, at marami pang iba.

Happy si Shalala sa producer niyang Scneme Concepts at Direk Joven Tan dahil binili ng Viva Films ang video/cable at DVD rights ng movie. Kahit paano, may babalik na pera sa kanyang produ­cers.

Anyway, masaya si Shalala nang tumawag sa kanya si Bobby Andrews para sabihing okay ang tandem nila ni Kiray at tawa nang tawa ang mga taga-MTRCB na nag-review sa movie. Binigyan din nila ito ng PG 13 classification kaya mas marami ang makakapanood.

Kim consistent sa pagdi-deny ng retoke sa ilong

Natatawa si Kim Rodriguez dahil mula sa presscon at airing ng Paraiso Ko’y Ikaw at hanggang sa pagtatapos nito this Friday, ang laging itinatanong sa kanya ay kung totoong nagpaayos siya ng ilong.

Consistent ang pagdi-deny ni Kim na may ipinaayos sa mukha niya kahit ang sinasabing source ay mother ng isa pang talent ng GMA 7. Naniniwala rin ito na hanggang sa bagong show niya, ang tungkol pa rin sa ilong ang uuriratin ng press.

Masaya si Kim sa magiging ending ng Paraiso Ko’y Ikaw dahil may closure ang bawat karakter at masaya ang ending nina Josephine (Kim) at Tupe (Kristoffer Martin), nina Josephine at Cheska (Joy­ce Ching), at Tupe at Regina (G Toengi).

Umaasa ang aktres na bibigyan siya ng kasunod na soap at habang wala pang next soap ay balak niyang ituloy ang tourism course.

vuukle comment

ANGELO PATRIMONIO

DAHIL

HOLY WEEK

LOVI

MRS. REAL

PARAISO KO

SHALALA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with