^

PSN Showbiz

Yeng nagmamadali nang magpakasal, career hindi na inaalala

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nakatakda nang magpakasal sa susunod na taon sina Yeng Constantino at Victor Asuncion pagkatapos mag-propose ng binata sa singer kamakailan. Mag-iisang taon pa lamang magkarelasyon ang dalawa dahil naging opisyal silang magkasintahan noong June 2013.

Bakit nga ba tila naging mabilis ang planong pagpapakasal nina Yeng at Victor?

“Actually, parang sobrang decided na ako na I want her to be my future wife. So, parang ayaw ko nang patagalin,” bungad ni Victor.

“That was the feeling that I had when I proposed to her. That I can’t stand another day without telling her na that’s my heart for her.”

Si Victor ay isang worship director sa Victory Christian Fellowship church at siya rin ang kauna-unahang naging kasintahan ni Yeng. Sinasabing ang dalaga rin daw ang kauna-unahang opisyal na kasintahan ni Victor.

“Honestly po, siguro noong three months ago kasi first month pa lang talaga pinag-uusapan na namin. We know the purpose of the relationship. Pero mga three months ago, nag-usap na kami. Nakapa ko sa heart ko na may certain fears, like siyempre po sa career ko and at my age,” nakangiting pahayag ni Yeng.

“’Di ba po maraming celebrities ngayon, mas type nila talaga, mas gusto nilang maging successful with their careers? So, may certain fears. Pero for the past two weeks, sinasalag ko ’yung heart ko. There’s something in me na para kong na-feel, I’m not afraid anymore. ’Pag tinitingnan ko siya, it feels like he is worth it. Kung feeling ng iba, marami akong mami-miss out, parang feeling ko, mas marami akong mami-miss out ’pag hindi ko siya makasama.”

Julia Barretto walang pakialam sa fans ni Julia Montes

Posible raw na magkaroon ng espesyal na tinginan ang Mira Bella stars na sina Enrique Gil at Julia Barretto.

“Para sa akin, oo naman. I never say never. Maganda naman si Julia, mabait, masayang kasama,” pagtatapat ni Enrique.

Limang taon ang tanda ng aktor sa dalaga pero ayon kay Julia ay hindi raw ito magiging hadlang sa kanila.

“Look at that face, why not? He’s really a nice guy, and I’m a nice girl. So, solid ’to,” pabirong sagot naman ni Julia.

“Hindi ko pa alam kasi parang parehas kami. Hindi pa namin iniisip. Enjoy muna,” dagdag ni Enrique.

Ngayong nalalapit na ang pagpapalabas ng kanilang bagong teleserye ay marami raw nadismayang mga tagahanga ng tambalan nina Enrique at Julia Montes. Ano kaya ang reaksiyon ng teen actress dito?

“I just don’t mind them. With everything that’s going on right now, I’d rather not put my time and effort sa mga something negative. I’d rather stay positive. There’s really no time for wasted attention,” paliwanag ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS  

                                                               

vuukle comment

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

JULIA

JULIA BARRETTO

JULIA MONTES

MIRA BELLA

PERO

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with