^

PSN Showbiz

Jessica Sanchez nawiwili sa kaso-show sa ’Pinas

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Napapadalas ang pagbisita ni Jessica Sanchez sa Pilipinas dahil babalik uli siya sa ating bansa sa weekend.

Special guest si Jessica sa first anniversary celebration sa March 16 ng isang sosyal na resort/casino. Kabilang ang Filipina-American singer na nakilala nang sumali sa American Idol Season 11 sa mga performer sa grand anniversary concert ng resort/casino na tinutukoy ko.

Tele-Silip umaga hanggang gabi umeere

Walang TV special ang “the making” ng Kambal Sirena pero naglabas ng Tele-Silip ang GMA 7 tungkol sa kanilang sirena-serye.

Ipinakita sa Tele-Silip ang mga behind the scene ng Kambal Sirena at ang mga interview sa buong cast na feeling proud dahil kasali sila sa big-budget teleserye ng Kapuso Network.

Umaga, hapon, at gabi ang airing ng Tele-Silip at big help ito para lalong dumami ang viewers ng Kambal Sirena.

Tessie hindi umubra ang edad mag-sirena

Nagbibiro lang si Tessie Tomas nang sabihin nito na gustung-gusto niya na gumanap bilang sirena sa Kambal Sirena pero hindi siya umubra dahil sa kanyang edad.

Puwedeng-puwede pa si Mama Tessie na gumanap na sirena. Ang kaso, mas bagay sa kanya ang role bilang normal na tao na madir ni Mickey Ferriols.

Hindi nawawalan ng project si Mama Tessie mula nang pumirma siya ng exclusive contract sa Kapuso Network.

Pareho sila ni Nova Villa na kasali rin sa cast ng Kambal Sirena at hindi nababakante. Sa malalayong lugar ang tapings kaya naninibago si Mama Nova na hindi na sanay sa mga mahahabang oras ng biyahe. Kinukunan sa Bataan, Pangasinan, at Batangas ang mga eksena ng Kambal Sirena.

Paris enjoy na enjoy sa atensiyon ng mga Pinoy

Nagkaroon ng bagong pictorial si Paris Hilton noong Martes para sa real estate company na ipino-promote niya.

Documented ng media ang lahat ng mga paglalamiyerda ni Paris sa Mega Manila, ang pamamasyal niya sa Luneta, ang pagkain ng sorbetes na keso at avocado ang flavor, at kung anik-anik pa.

Updated ang Pinoy fans ni Paris sa activities nito dahil masipag siya sa social media. Wish ko lang, huwag nang maulit ang tweet ni Paris nang una siyang bumisita sa ating bayan, three years ago.

Nang pumunta siya sa isang mall, nag-tweet si Paris na milyun-milyong Pinoy fans ang sumalubong sa kanya. Kinontra ng local media ang pralala ni Paris dahil nasa mall din sila ng oras na ’yon kaya saksi sila na wala pang isang libo ang bilang nga mga nakiusyoso sa pagdating ng Hilton heiress. Nabuko tuloy ng mga Pinoy na may pagkaeklayera rin si Paris na enjoy na enjoy sa atensiyon na ibinibigay sa kanya ng mga tao.

Concert produ ni Vhong dumepensa na rin laban kay Roxanne

Nag-submit ng reply-affidavit ang event organizer na nag-imbita kay Vhong Navarro sa show ni Vice Ganda sa Kawit, Cavite noong April 24, 2010.

Hindi nagdalawang-isip ang concert producer na si Moises Manio na tumestigo para kay Vhong dahil sila ang magkasama noong gabi at petsa na sinasabi ni Roxanne Cabañero na pinagsamantalahan ito ng TV host/comedian.

Detalyado ang sworn reply-affidavit ni Manio dahil malinaw na malinaw pa sa kanyang isip ang mga nangyari noong April 24, 2010. Si Manio ang producer ng concert ni Vice Ganda sa Island Cove at special guest si Vhong.

Bumalik na si Vhong sa It’s Showtime noong nakaraang Sabado. Nakakangiti na si Vhong pero kitang-kita sa kanyang mga mata ang kalungkutan na nararamdaman.

vuukle comment

KAMBAL SIRENA

KAPUSO NETWORK

MAMA TESSIE

PARIS

PINOY

SIRENA

TELE-SILIP

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with