^

PSN Showbiz

Kim at Xian walang date sa Valentine's

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Bukas ay araw ng mga puso kaya mara­ming mga tagahanga ng celebrity couples ang nag-aabang kung saan at paano ise-ce­lebrate ng kanilang mga idolo ang Valentine’s Day. Isa sa pinakaaabangan ay sina Kim Chiu at Xian Lim na sinasabing mayroon nang espesyal na pagtitinginan para sa isa’t isa. “Naku, hindi ko alam. Friday ‘yun? May taping ata,” bungad ni Kim.

Abala na ngayon ang aktres para sa kanyang bagong teleserye na Ikaw Lamang. “Ay! Wala. Huwag ka na masyado ma­ngarap para hindi masyado mataas ‘yung expectation mo. Baka mag-expect ka ng something tapos hindi mangyari, malungkot ka pa. Chill lang, relax,” paliwanag ng dalaga.

Walang problema kay Kim kung may seleb­rasyon man o wala, kung may regalo man o wala. Ang mahalaga raw ay nagmamahalan ang dalawang tao. “Hindi naman ‘yun sa lugar or sa regalo na matatanggap mo. It’s the feeling na ipaparamdam sa iyo ng taong mahal mo. ‘Yun lang ‘yung importante. Siguro sa feelings n’yo na lang, ‘yun ang importante,” makahulugang pahayag ng aktres. Ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Kim at Xian ngayon? “Kayo talaga, hindi naman kailangan mag-open up. Masaya naman ‘yung mga tao, gano’n. Okay na ‘yun. Balato muna,” giit ng dalaga.

Mitoy, enjoy sa pag-arte

Nag-e-enjoy daw ang grand champion ng The Voice of the Philippines na si Mitoy Yonting sa pag-arte sa harap ng kamera. Kasama si Mitoy sa sitcom nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na ‘Home Sweetie Home’.

Minsan na ring nakagawa ng ilang acting pro­jects ang singer noon kaya hindi na rin siya nanibago sa pag-a-artista. “Buti may konting experience ako doon kaya konting adjustment na lang ‘yung ginagawa. At saka mabilis lang ‘yung trabaho, walang pressure,” maikling pahayag ni Mitoy.

Mga ninong at ninang sa kasal nina Karylle at Yael inaabisuhan na

Nakatakdang magpakasal ang magkasintahang sina Karylle at Yael Yuzon sa March 21 sa isang private resort sa Tagaytay. Matapos i-announce ni Karylle sa It’s Showtime noong isang linggo ang kanilang planong pagpapakasal ay pinangalanan na rin ng aktres ang ilan sa mga principal sponsors na kanilang kinuha. Kasama sa listahan sina Kim Atienza, Kris Aquino, Sharon Cuneta, Jose Mari Chan, Ricky Reyes, Ryan Cayabyab, Gary Valenciano, at Maricel Laxa-Pangilinan. Tatlong taon na nga­yong magkasintahan sina Ka­rylle at Yael.    Reports from JAMES C. CANTOS                    

vuukle comment

GARY VALENCIANO

HOME SWEETIE HOME

IKAW LAMANG

JOHN LLOYD CRUZ

JOSE MARI CHAN

KARYLLE

KASAMA

MITOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with