^

PSN Showbiz

Pagpo-propose ni Charice inaabangan na

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung engaged to be married na sina Aiza Se­guerra at GF nitong si Liza Diño, malamang na sila’y magpapakasal sa ibang bansa kung saan allowed ang same sex marriage tulad ng ginawa last December ng dating TV executive ng TV5 na si Perci Intalan at writer-director na si Jun Lana na nagpakasal sa New York, USA.

Kung nag-propose na si Aiza sa kanyang GF, sumunod na rin kaya si Charice Pempengco sa kanyang GF?           

Miles nahihirapang humabol kina Kathryn at Julia

Nakilala ang loveteam nina Miles Ocampo at Marco Gumabao sa Luv u, Sunday afternoon series pero sandali itong nagpahinga nang mag-reformat ang programa. Bumalik naman sa programa ang mga characters nila pati na sina Kiray, Iggy Boy Flores, at iba pa. Kung mabibigyan lamang ng tamang proyekto ang tambalan nina Miles at Mar­co, puwede itong sumunod sa loveteam nina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo. Sina Kathryn at Ju­lia Montes ay dating mga kasamahan ni Miles sa Goin’ Bulilit. Malayo na ang narating nina Kathryn at Julia kumpara kay Miles na unti-unti pa lang umaa­ngat ang pangalan.

Bukod sa Luv U, napapanood din siya sa Sunday sitcom na Home Sweetie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga. Tuwang-tuwa si Miles sa tambalan nina JLC at Toni dahil click ang tandem ng dalawa na parang tunay na mag-asawa sa sitcom. 

Kaso ni Vhong apektado ang maraming kalalakihan

Sa totoo lang, Salve A., maraming natututunan ang mga kalalakihan from showbiz sa naranasan ni Vhong Navarro kaya marami sa kanila ang medyo takot na pumasok sa sitwasyon na alanganin lalupa’t meron silang present na karelasyon. Ang nangyari kay Vhong ay puwedeng mangyari kaninuman kahit sa isang ordinaryong tao lamang. Nagkataon na isang kilalang personalidad si Vhong kaya ito’y naging malaking isyu at balita.

Kahit ultimo si Vhong ay may matinding natutunan sa nangyari sa kanya.

Bukod sa mga ikinakasal, maraming babaeng artista may mga ‘blessing’ ngayong taon

Pagkatapos magpaka­sal nina Drew Arellano at Iya Villania, susunod na­mang magpapakasal sina Karylle at Yael Yuzon sa susunod na buwan at sa Mayo 1 naman ang mag­kasintahang Jericho Rosales at Kim Jones habang sa June 14 naman ang kasal nina Boots Anson Roa at Atty. King Rodrigo.

Kung may wedding boom sa taong ito, may baby boom din na sinimulan ni Rica Peralejo na su­sundan naman ni Jolina Magdangal habang five months pregnant naman courtesy of Bernard Pa­lanca si Jerika Ejercito, ang panganay na anak ng dating aktres na si Laarni Enriquez sa dating pangulo at ngayo’y mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada.

Panawagan

Nalaglag ang aking cell phone last Sunday evening na naglalaman ng mahahalagang contacts.  Kung sino man po ang nakapulot ay mangyari lamang po na ibalik sa akin.  Mangyari lamang po na itawag o i-text sa Toki Mobile Number 0917-8635035 or Glenda Esperas 09175411895 or Lorena Esperas 0917-8993247/ 0917-5354337. Salamat po.

 

vuukle comment

AIZA SE

BERNARD PA

BOOTS ANSON ROA

NINA

SHY

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with