^

PSN Showbiz

Sharon gustong ‘balikan’ sina Robin at Gabby

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Galing sa ospital si Sharon Cuneta bago ang last taping day nila ni Richard Gomez sa guesting ng aktor sa Madam Chairman dahil sa chronic sinusitis, pero parang hindi nagkasakit si Mega dahil masigla sa pagkukuwento sa nangyari at mangyayari sa kanyang personal na buhay at career.

Masaya siya to be working with Richard again sa tawa-serye niya sa TV5 at ang mas maganda pa, masusundan ang kanilang pagsasama dahil ang aktor ang makakapareha sa Pirated Family. Parang may gagawin pa silang movie for TV bago magtapos ang taon.

Nalulungkot si Sharon dahil five episodes na lang, magtatapos na ang Madam Chairman, pero looking forward siya sa bagong shows niya gaya ng Pirated Family at Minamahal. Nilinaw nitong hin­di drama anthology ang Minamahal, walang letter sen­der, ang story na gagawin ay galing sa featured song of the week. Once-a-week ito at kasama niya si Jay Durias.

Magre-resume na rin silang mag-taping ni Ogie Alcasid ng The Mega and The Songwriter. Gusto niya ang format ng show at parehong gusto nilang kumanta. Ang wish na lang ni Sharon, lumakas ang signal ng TV5 para mas marami ang makaalam na may mga show siya.

May gagawin din siyang pelikula sa Viva Films na “very soon” na ang pagsisimula. “Ayaw ko munang sabihin, it’s really a surprise but I’m excited,” sabi nito. Wala pa siyang makakapareha, pero looking forward siyang makatrabaho either si Robin Padilla o Gabby Concepcion.

Kasama rin sa plano ang magkaroon siya ng major concert to celebrate her 35th anniversary in showbiz. Ayon pa kay Sharon, marami pa siyang gustong gawin in the days to come, pero hindi kasama rito ang pagbabalik niya sa Twitter.

 â€œParang I’m not meant to Twitter at ‘di ko alam kung kailan ako babalik. Masaya sana na you can communicate with your fans, pero may mga bashers na sinisiraan ka, so why waste your time? Two years din ako sa Twitter,” ani Sharon.

Sid namemohan sa katabaan

Tatapusin lang ni Sid Lucero ang taping ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? at sisimulan na ang pagwu-workout para pumayat. No choice raw siya kundi magpapayat dahil pinadalhan siya ng Fat Memo ng GMA Network.

Kundi nagkakamali si Sid, siya ang second Kapuso artist after his cousin Geoff Eigenmann na pinadalhan ng Fat Memo. Noong October 2013 pa raw siya pinadalhan ng Fat Memo, hindi lang agad makapag-workout dahil tumatakbo ang Magkano Ba Ang Pag-ibig? Ngayong magtatapos na ito sa February 14, sisimulan na niya ang pagbabawas ng timbang.

Happy father si Sid to his six-month-old baby girl na si Halo Eve na tinatawag niyang si Bug. “I like the name, she’s my little bug. She’s like a worm,” sabi nito.

Ryan patatali na sa Kapuso, papasok na sa Bubble Gang

Hindi kami sinagot ni Noel Ferrer sa tanong namin kung pumirma na ba o pipirma na ng network contract si Ryan Agoncillo dahil madadag­dagan na ang shows nito sa GMA 7. Program contract para sa Picture! Picture! lang ang pinirmahan nito noong una at mukhang undecided pa that time kung magpapatali sa Kapuso Network.

Nabalitang bukod sa Picture! Picture!, papasok si Ryan sa Bubble Gang at schedule na lang ang inaayos. Every Monday ang taping ng Bubble Gang  at nasasabay sa taping ng ibang episodes ng Picture! Picture!, kaya ito ang aayusin.

Magho-host din ng Public Affairs program sa Ch. 7 si Ryan, special daw ang episode tungkol sa health. Kaya kung si Dingdong Dantes pang-education ang hino-host at si Richard Gutierrez ay pang-environment noon, si Ryan ay health issues pala.

Rochelle bawal kumain ng masarap

“Boyfriend” ang tawag ni Rochelle Pangilinan kay Raymond Bagatsing kahit off-cam para hindi niya makalimutan na mag-nobyo ang role nila sa Carmela at mas madali sa kanila ang maging sweet at magpakita ng selos.

Mukhang effective ang taktika ni Rochelle dahil sa teaser, wagas siyang magpakita ng selos kay Carmela (Marian Rivera) na kababaliwan ni Dante (Raymond).

Kasama sa paghahanda ni Rochelle sa karakter ni Yolly ang pagpapapayat dahil tumaba siya sa nakaraang Kapaskuhan. Masuwerte si Rochelle dahil mabilis siyang pumayat, ‘yun nga lang, kailangan niyang iwasang kumain ng masasarap.

vuukle comment

BUBBLE GANG

DAHIL

FAT MEMO

MADAM CHAIRMAN

MAGKANO BA ANG PAG

PIRATED FAMILY

RYAN

SID

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with