^

PSN Showbiz

Mga kasong isinampa ni AiAi sa dating asawa natapos na rin lahat

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Naging kontrobersiyal lalo ang Celebrity Bluff dahil sa isyung da­yaan, pero hindi na ito pinapalaki dahil tapos na at ayaw naman magsalita ng mga taong involved.           

Pero mamayang gabi, nagkaroon ng konting gulo nang mapikon si Eugene Domingo kay Jose Manalo na parang may pinagseselosang girl na isa sa audience. Kuwela ang selosan ng dalawa na kinagat naman ng mga manonood.

PAK : Natawa si AiAi delas Alas nang itinanggi ni Vic Sotto na nagbigay siya ng kalahating milyong abuloy.

 â€œIn-exxags (exaggerated) na  lang niya ‘yun ng konti,” pakli ni Vic nang tanungin namin tungkol sa napag-usapang abuloy.

Natatawang pahayag naman ng komedyante; “Sabi ko naman sa kanya, aminin na lang niya no! Huwag na niya i-deny.”

Napag-alamang 100 thousand pesos daw ang ibinigay ni Vic na abuloy nung namatay ang biological mother ni AiAi.

BOOM : Pagkatapos na-grant ang divorce nina AiAi delas Alas at Jed Salang, tapos na rin pala ang mga kasong isinampa ni AiAi laban sa dating asawa.

“Tapos na ‘yun. Ida-drop na ‘yung case,” saad ni AiAi.

Hindi lang daw niya alam ang mga legalidad o kung paano ang proseso dahil mas alam daw iyun ng mga abogado niya.

Pati ang Permanent Protection Order na hiniling noon ni AiAi sa korte ay tapos na rin dahil divorced na nga silang mag-asawa kaya iyun nga ang isa sa ibig niyang sabihing moving on at moving forward na talaga.

Iyun nga lang, hindi pa raw siya handang makipag-usap o kahit maging kaibigan pa si Jed. Mas okay na raw ang ganun bilang bahagi nang pagpapatawad niya kay Jed at sa mga babaeng na-involve din.

 

vuukle comment

AIAI

CELEBRITY BLUFF

EUGENE DOMINGO

HUWAG

JED SALANG

JOSE MANALO

PERMANENT PROTECTION ORDER

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with