^

PSN Showbiz

Pagpapagawa ng bobsie, gustong pakialaman ng mga pulitiko

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pati pagpapa-breast implant, gustong pakialaman ng dalawang congressman. Nagpasa sila ng House Bill 3322 na magbibigay daw ng kumpleto  at accurate na information tungkol sa panganib sa pagpapagawa ng boobs.

“Breast implants have been widely suspected to increase the risk of a range of problems, including cancer, connective tissue disease, implant rupture and hematoma. And despite reports and conjectures showing adverse health impacts of breast implants, there are still women who consider ha­ving breast implants,” sabi ng congressman na author ng bill na ‘wag na nating pangalanan.

Maraming artista ang nagpapa-breast implant at sigurado ako na bago sila magpagawa ng bobsie, alam na nila ang epekto. Maging ang mga ordinaryong tao alam din naman ito.

Pero bakit kailangang gawan ng bill? Saka problema na ‘yun nang nagpagawa. Ginusto nila ‘yun. Ang daming problema ng bayan na dapat unahin. Hello…

Sarah hindi tsinugi ng GMA sa pelikula

Natapos naman pala ni Sarah Lahabti ang horror film na Basement ng GMA Films at Reality Entertainment kasama ang iba pang GMA stars.

Kaya mapapanood pa rin siya sa pelikula kahit na may demanda siya sa network.

Anyway, sobrang nakakatakot daw ang Basement na matagal-tagal ding nabinbin.

Kwento ito ng isang grupo ng hindi magkaka­kilalang tao na makukulong sa isang basement parking. Kung ang iba’y pinipilit na makalabas, mayroon ding mga naghintay na lamang sa basement floors. Hindi magtatagal ay matutuklasan nila na isang misteryosong nilalang ang maglalagay sa buong grupo sa panganib at bingit ng kamatayan.

Ibinahagi naman ng ilan sa mga cast members ang kanilang mga nakakatakot na karanasan sa shooting. Para kay Dion Ignacio, “’Yung location pa lang, nakaramdam na talaga ko ng takot.” Ganito rin ang naramdaman ni Enzo Pineda habang nasa isang fight scene, “It was during a fight scene and the set was quiet and dark before we started so I felt that something was watching me from the dark.”

Sa ilalim ng direksiyon ni Topel Lee, abangan ang panggulat ng GMA Films at Reality Entertainment ngayong Pebrero 2014 na Basement.

                                               

 

vuukle comment

DION IGNACIO

ENZO PINEDA

GANITO

GINUSTO

HOUSE BILL

REALITY ENTERTAINMENT

SARAH LAHABTI

TOPEL LEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with