^

PSN Showbiz

Mga manghuhula sa showbiz, nawalan ng career

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Nawalan na ng career ang mga manghuhula. Kung noon, pagkatapos na pagkatapos ng Pasko may kanya-kanya na silang hula, ngayon wala nang nangangahas na magpadala ng kanilang hula sa showbiz.

Isa sa sobrang sumikat noon dahil sa panghuhula ay ang namayapa nang si Jojo Acuin. Nagkakatotoo naman kasi ang mga sinasabi niya kaya mara­ming bumilib sa kanya.

Kung meron man ngayon, paisa-isa pero hindi na sila nagpapa-interview at nagpapaka-showbiz.

Gone are the days na naglilibot din sila sa mga talk shows.

Nanonood sa isang MMFF movie, bawas na

Nabawasan na ang nanonood ng isang pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Hindi na puno ang sinehan na palabas ito. Nagkakaroon na ng bakanteng upuan sa last full show.

Since magbukas sa sinehan ang pelikula, pila-pila ang nanonood ng pelikulang ito.

Ibig sabihin din, nababawasan na ang kita ng MMFF eh up to January 7 ang showing ng mga pelikulang kasali.

Sana nga ay umabot sa target ang MMFF dahil ang plano ni Chairman Francis Tolentino ay ibigay ang ilang bahagi ng kita ng Festival sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.

Maraming artista bakasyon-grande

Bakasyon grande ang maraming artista. Si Anne Curtis kasama ang boyfriend na si Erwan Heussaff at kaibigang si Isabelle Daza at boyfriend nitong French businessman na si Adrien Semblat. Nasa Canada sila. Ang kaibigan nilang si Solenn Heussaff naman ay nasa Argentina, sa bansa ng kanyang boyfriend na si Nico Balzico.

Si Toni Gonzaga at boyfriend na director na Paul Soriano ay magkasama rin sa NYC, kasama ang ilang kaibigan nila.

Ang magdyowang Bea Alonzo at Zanjoe Marrudo ay nasa London at ma­ging ang mag-iinang Kris, Joshua, and Bimby Aquino ay andun din matapos tumiba ang pelikulang My Little Bossings.

At si Ruffa Gutierrez ay nasa isang exclusive beach - Nikki Beach St. Barth pero wala siyang ina-upload sa Instagram account kung sino ang kasama niya.

Ang pamilya nina Ogie and Regine Velasquez ay nasa Australia kasama ang mga anak ni Ogie sa dating wife na si Michelle van Eimeren.

Si Edu Manzano ay nasa Hong Kong kasama ang dalawang anak na sina Addie and Zo Manzano. Hindi kasama si Luis dahil nanood ito ng UFC.

Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay nagbakasyon naman sa Laos.

Mga artistang nangakong tutulong noong holiday seasons wala pang balita

Tinupad kaya ng mga artistang nangakong babalik ng Tacloban para mag-Pasko?

Ilang artista rin ang nangako na babalik sila sa mga sinalanta ng super typhoon sa Visayas pero wala pang nababalita. Or baka naman kasi walang ‘camera’ kaya tahimik din sila?

Miss International ngarag looking na

Bakit parang super payatot ni 2013 Miss International Bea Rose Santiago.

Sa mga picture niyang ina-upload sa kanyang Instagram account parang buto’t balat na siya. Kaya tuloy parang dry na dry ang hitsura niya. Eh kung try kaya niyang mag-rest para naman bumalik ang pagiging fresh looking niya?

Masaganang Bagong Taon sa ating lahat!

vuukle comment

ADDIE AND ZO MANZANO

ADRIEN SEMBLAT

BEA ALONZO

BIMBY AQUINO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

ERWAN HEUSSAFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with