^

PSN Showbiz

Magka-trabaho lang, aktor pinatos kahit kakaperanggot ang TF

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinanggap na rin daw ng isang aktor ang maliit na bayad sa bawat taping niya sa isang programa. Kesa naman nganga siya nitong holidays kung ipaglalaban pa rin ang mataas niyang talent fee sa iniwanang network.

Marami nga lang ang nakakapansin na lumipas na ang kinang ng aktor. Nagmukha na rin siyang tuyot hindi kagaya nu’ng pamamayagpag na baby face pa rin ang dating niya.

Eh, may tsismis na may gay benefactor ang aktor. Nu’ng panahong bakante siya, ang bading ang  tumutustos sa mga monthly bill at amortization ng aktor.

Feeling ng observers, sinagad ng bading ang katas ng aktor nu’ng panahong wala siyang masyadong trabaho. Ngayong may trabaho na ring aktor, mabibilang na sa daliri ang araw na naika-kama ng bading ang aktor, huh!

Anak ni Tirso Cruz ibinalandra na ang bukol

Handa na si Bodie Cruz, anak nina Tirso at Lyn Cruz, na iba­landra ang kanyang bukol sa publiko. Naglalabasan na ang kanyang mga sexy pictorial sa Internet.

In fairness, positibo ang mga komento ng mga nakakita ng picture. Isa rin pala si Bodie sa Cruz boys na hinihintay nilang magpaseksi para mapag­lawayan. Naging bahagi ng isang season ng Pinoy Big Brother si Bodie bago nabigyan ng supporting roles sa GMA series.

Just recently, sa shows ng Dos na siya napapanood habang ang kapatid na babae na si Djanin ay nasa GMA pa rin.

Next year ay handa na raw magpakita ng katawan at bukol si Bodie sa Cosmo bachelor’s bash!

In case nakalimutan na ninyo, aba, nag-pose din ng sexy ang tatay niyang si Pipo nu’ng kasagsagan ng sexy films, huh! For sure, ididenay ‘yon ni Lolo Pip, huh! Ha! Ha! Ha!

Foreign actor na nakatira sa bansa nabiktima ng salisi gang

Nabiktima ng Salisi Gang ang fo­reign photographer-actor-director na si Travis Kraft. Bigla naming naalala si Travis dahil kay Attorney Joji Alonso na nagpapatulong sa publicity ng Cine Filipino entry na Ang Turkey Man ay Pabo Rin.

Si Travis ang napiling foreign actor na lumabas bilang asawa ni Tuesday Vargas sa movie. Nakatira siya sa bansa dahil sa ilang trabaho niya rito. Nakasuwerte siyang mapi­ling leading man ng indie movie. Hindi man masyadong napanood ng tao ang movie, nakatanggap naman ng magandang reviews ang pelikula.

Nakakalungkot na isang Pinoy ang nag­nakaw ng gamit sa tra­baho ni Travis. Nang­yari sa condo niya ‘yon at kitang-kita sa CCTV ang lalaking pumasok sa loob ng con­do unit nilang mag-asawa.

Manager ayaw tumanggap ng pera sa alagang hindi tumupad sa pangako!

Ibinalik ng isang manager ang perang ipinadala ng kanyang alaga nang makuha ang premyo sa isang reality show. Hindi kasi tinupad ng alaga ang pangako sa manager na kumisyon ang ibibigay kung sakaling manalo siya.

Pinigilan kasi ng manager ang alaga na sumali. Pero nagpumilit ang talent na sumali at nagbabakasakali siyang makuha ang top prize.

Mawawalan kasi ng trabaho ang alaga kaya ayaw ng manager na sumali ito. Nabibigyan na rin kasi ng magagandang break sa TV at sa movie ang alaga kaya sayang din ‘yung ilang linggong pagkawala ng alaga.

So upang pumayag ang manager, nangako ang alaga na bibigyan siya ng regular komisyon pag nanalo. Eh nanalo ang alaga sa contest. Pero nasira ang pangako ng alaga sa manager.

Idinahilan ng alaga ang pagiging single parent niya. Kaya kakarampot na pera lang ang pinadala na wala pa sa kalahati ng usapang kumisyon, huh!

Kaya ngayon, umayaw na ang manager na tulungan ang alaga kahit may malalapit na tao sa manager na nakikiusap na muli siyang tanggapin lalo na’t naipambayad na sa utang ang ibang premyo, huh!

Sharon at Marian nagbibigay ng importansiya

Humabol talaga before Christmas ang classmate/friend naming si Atty. Persida Rueda Acosta sa pagbigay ng Christmas gift sa mga kaibigan sa press. Pinasaglit niya  ang press sa kanyang office sa QC upang daanan ang kanyang regalo.

Isa rin si Sharon Cuneta sa artistang hindi nakakalimot taun-taon sa press. Kahit after Christmas na ay naipadala pa rin niya ang Christmas card niya sa mga press na lagi na lang tumutulong sa kanya.

Sa mga artista natin, puwede naming ihambing si Ma­rian Rivera kay Sharon Cuneta sa nagbibigay importansiya sa press. Bukod sa isang lunch kasama ang press kung saan inanunsyo niya ang kanyang Kapuso Adopt A Bangka Project, may kalakip din siyang Christmas card na may personalized message sa press na laging kasama niya sa hirap at ginhawa sa showbiz.

Idagdag natin ang anak ni Shawie na si KC Concepcion. Ipinamalas ni KC ang importansiya sa press nang bigyan niya ng Christmas card ang members ng Entertainment Press Society.                

vuukle comment

ALAGA

BODIE

MANAGER

NIYA

PRESS

RIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with