^

PSN Showbiz

April Boy retirado na, ipapasa na sa anak ang pagkanta

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Positive ang mga feedback sa episode ng Startalk noong Sabado dahil sinubaybayan ng televiewers ang live guesting ni April Boy Regino na nagsabi na magaling na ang kanyang prostate cancer pero itutuloy niya ang pagreretiro sa pagkanta. Ipapaubaya na raw niya sa anak na lalaki ang pag-awit.

Napansin ko na talagang malaki ang ipinayat ni April Boy pero masigla naman siya nang magkita kami sa studio ng Startalk.

Willie hindi totoong lulong sa casino

Pinanood din ang exclusive interview namin ni Papa Ricky Lo kay Willie Revillame na busy ngayon sa personal na pag-aasikaso sa kanyang Wil Tower Mall.

Walang problema kay Willie kung totoo ang balita na magpapakasal na kay Victor Aliwalas ang kanyang ex-wife na si Liz Almoro dahil matagal na silang hiwalay.

Maganda ang relasyon ng ex-couple dahil naging magkaibigan sila at regular na nakikita ni Willie ang kanilang anak na si Juame.

Hindi dapat paniwalaan ang mga tsismis na nagpapatalo ng milyung-milyong piso sa casino si Willie dahil sa huling pagbisita ko sa Wil Tower Mall, nadagdagan pa ang bilang ng mga koleksiyon niya ng mama haling kotse. Suot pa rin niya ang kanyang relo na P3.5 million lang ang halaga.

Naloka nga ako dahil muntik nang ipa-raffle ni Willie sa entertainment press ang Hermes bag na nagkakahalaga ng P1.8 million. ’Dayyy, presyo na ng isang condo unit ang bag na gustong ipa-raffle ni Willie pero hindi naman puwedeng tirhan ang Hermes bag ’di ba? Mabuti na lang naawat si Willie. Hindi ko na alam kung nasaan at kung sino ang masuwerte na makikinabang sa bag na gawa sa balat ng ostrich.

Cloie hindi pa handing makaharap si Gabby

Hindi pa ready si Cloie Syquia na ma-meet ang kanyang biological father na si Gabby Concepcion at sure na sure ako dahil ’yon ang napag-usapan namin ni Jenny Syquia nang magkita kami nang bumalik sa Pilipinas noong 2012 ang mag-ina.

Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi sa akin ni Jenny na naalaala ko uli dahil tinanong si KC Concepcion tungkol sa possible reconciliation ng kanyang ama at half-sister.

Ang sabi ni KC, ayaw niya na makialam sa isang sensitive matter. Ipinapaubaya niya kay Cloie ang pagpapasya kung kailan nito gustong makilala nang personal ang kanilang ama.

Tama naman ang katuwiran ni KC dahil 21 years old na siya nang mag-decide na hanapin at puntahan si Gabby sa Amerika. Kusang-loob ang paghahanap ni KC kay Gabby pero may permiso ito ng kanyang nanay na si Sharon Cuneta.

Sinabi ko na hindi pa handa si Cloie na makita si Gabby dahil kung talagang gusto niya, maraming paraan. Napakadali na puntahan si Gabby sa bahay nito sa San Juan o kung nahihiya si Cloie ay puwedeng i-text, i-tweet, o i-Insta­gram sa kanyang ama at dahil hindi niya ginagawa ang mga paraan, malinaw na hindi pa ready ang bagets na makaharap nang personal si Gabby.

Mga bata at LGBT matutuwa sa pelikula nina Ryzza Mae at Bimby

Ang sabi ng mga dumalo sa premiere night ng My Little Bossings, malakas ang hatak sa mga bata ng filmfest movie nina Bimby Aquino Yap, Jr. at Ryzza Mae Dizon.

Safe raw sabihin na magiging No. 1 sa takilya ang My Little Bossings sa unang araw ng 2013 Metro Manila Film Festival sa Dec. 25 dahil pambata ang pelikula na tinatampukan din nina Vic Sotto, Kris Aquino, at Aiza Seguerra.

It’s a must daw na panoorin ng mga miyembro ng LGBT community ang My Little Bossings dahil matutuwa sila sa treatment ng kuwento ng pelikula sa third sex.

 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

CLOIE

DAHIL

KANYANG

MY LITTLE BOSSINGS

NIYA

WIL TOWER MALL

WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with