^

PSN Showbiz

Pangit na komedyante ’ ‘Di pinatulan ng baguhang aktor kahit inalok ng P5K

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Nakausap ko ang isang kaibigang source at naitsika niya ang tungkol sa isang komedyana na handang magbayad ng P5,000 para lang mahada ang isang guwapong baguhang aktor. Malaki-laki na ring pera ito, ’di ba?

Pero hindi siya pinatos ni aktor dahil hindi niya ma-take ang pagiging chaka nito. Kaya nalungkot si Komedyana dahil hindi siya pinatulan ng iniilusyong showbiz guy kahit maglabas pa siya ng P5,000 kahit sa isang one-night stand lang.

Ang komedyante ay nanalo sa isang reality show at nasa isang network na ngayon.

Marian maiilang kay Dingdong kapag idinirek na iba ang kahalikan

Isa si Marian Rivera sa mga awardee ng 1st Gintong Palad Public Service Award na idinaos kamakailan sa One Esplanade sa Pasay City. Ka­rapat-dapat naman siya sa naturang award dahil sa pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa.

Naging aktibo si Marian sa Ukay-Ukay Bazaar kasama ang nobyong si Dingdong Dantes kung saan ang malilikom na pera ay mapupunta sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Naging abala rin ang magandang aktres sa pagtulong sa Kapuso Foundation para sa Operation Bayanihan na tutulong din sa mga nasalanta ng bagyo.

May bagong pinagkakaabalahan si Marian at ito’y ang Kapuso-Adopt-a-Bangka project na bibigyan ng bangka ang mga mangingisda na nasira ang bangka at wala nang ikabubuhay sa Cebu. ’Yung gustong mag-donate ng bangka ay bibigyan ng resibo at kukumustahin nila ang nangyayaring pangkabuhayan kung saan magkakaroon ng follow-up.

Magkakaroon ng bagong TV project si Marian, ang Carmela, na tatampukan din nina Gabby Concepcion at Raymond Bagatsing. May nagtanong sa aktres kung payag ba siyang madirek ni Dingdong sa isang proyekto?

‘‘Huwag na lang. Sobrang istrikto niya. Maiilang lang ako kapag may romantic scenes kami ng aking kapareha. Baka ’di niya ma-take na nakikipaghalikan ako sa iba na siya ang director,’’ sagot ng aktres.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

GABBY CONCEPCION

GINTONG PALAD PUBLIC SERVICE AWARD

ISANG

KAPUSO FOUNDATION

MARIAN RIVERA

ONE ESPLANADE

OPERATION BAYANIHAN

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with